Daily Gospel - 06 Enero 2023


At narinig mula sa langit: “Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.” (Marcos 1:11)
Pagbasa: 1 Juan 5:5-13; Salmo: Awit 147:12-20;
Mabuting Balita: Marcos 1:7-11

7 At ito ang sinabi niya sa kanyang pangangaral: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. 8 Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.”

9 Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret ng Galilea at bininyagan siya ni Juan sa Ilog Jordan. 10 At pagkaahon niya mula sa tubig, nakita niyang nahawi ang langit at parang kalapating bumababa sa kanya ang Espiritu ng Diyos. 11 At narinig mula sa langit: “Ikaw ang aking Anak, ang Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”

 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: