Daily Gospel - 15 Disyembre 2022

 

“Sinasabi kong wala nang hihigit pa kay Juan sa lahat ng mga anak ng babae pero higit pa sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Diyos.” (Lucas 7:28)
Pagbasa: Isaias 54:1-10; Salmo: Awit 30:2-13;

Mabuting Balita: Lucas 7:24-30


24 Nang makaalis na ang mga sugo ni Juan, nagsimulang magsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa disyerto para makita? Isang kawayang hinahampas-hampas ng hangin? 25 Ano ang pinuntahan ninyo? Isang lalaking magara ang bihis? Nasa mga palasyo nga ang mga taong magagara ang bihis at napakasarap ang pagkain. 26 Ano nga ba ang pinuntahan ninyo? Isang propeta? Tama. At sinasabi ko sa inyo na higit pa sa isang propeta. 27 Siya ang binabanggit sa Kasulatan: ‘Pinauna ko sa iyo ang aking sugo upang ihanda ang daan sa harap mo.’

28 Sinasabi kong wala nang hihigit pa kay Juan sa lahat ng mga anak ng babae pero higit pa sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Diyos.”
(29 Tumanggap na ng binyag ni Juan ang lahat ng taong nakaririnig kay Jesus pati na ang mga publikano, at kinikilala nila ang Diyos. 30 Hinadlangan naman ng mga Pariseo at mga guro ng Batas ang kalooban ng Diyos sa di nila pagpapabinyag kay Juan.)

  

Mga kasulyap-sulyap ngayon: