Daily Gospel - 20 Enero 2023

 

Kaya itinalaga niya ang Labindalawa... (Marcos 3:16-19)

San Fabian at
San Sebastian
Pagbasa: Hebreo 8:6-13; Salmo: Awit 85:8-14;

Mabuting Balita: Marcos 3:13-19

13 At umakyat si Jesus sa burol at tinawag ang mga gusto niya. At lumapit sila sa kanya.

14 Sa gayon niya hinirang ang Labindalawa (na tinawag din niyang Mga Apostol) upang makasama niya at maipadala sila para mangaral 15 at magkaroon ng kapangyarihan para palayasin ang mga demonyo. 

16 Kaya itinalaga niya ang Labindalawa at tinawag na Pedro si Simon, 17 at  si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan, at tinawag niya silang Boanerges, na ang ibig sabihi’y “Sina-Parang-Kulog”; 18 at saka si Andres, at si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo,  19 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: