Daily Gospel - 12 Mayo 2023


Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon. (Juan 15:14-15)
San Nereus at Achilleus
at San Pancrasio
Pagbasa: Gawa 15:22-31; Salmo: Awit 57:8-12;
Mabuting Balita: Juan 15:12-17

12 Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. 13 Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.

14 Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon.

Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.

16 Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko.

17 Iniuutos ko nga sa inyo: magmahalan kayo.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: