Daily Gospel - 30 Mayo 2023


“Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo  na walang gantimpala.” (Marcos 10:29-30)

Pagbasa: Sirac 35:1-12; Salmo: Awit 50:5-23;
Mabuting Balita: Marcos 10:28-31

28 Nagsalita naman si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa iyo.” 29 Sinabi ni Jesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo 30 na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama’y makakamit niya ang buhay na walang hanggan.

31 May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: