Daily Gospel - 06 Hulyo 2023

 

At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” (Mateo 9:6)

Sta. Maria Goretti
Unang Pagbasa: Genesis 22:1-19; Salmo: Awit 115:1-9; 

Mabuting Balita: Mateo 9:1-8


1 Muling sumakay sa bangka si Jesus, tumawid sa lawa at bumalik sa sariling bayan. 2 Dinala sa kanya roon ang isang paralitikong nakahiga sa papag. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”


3 Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito ang Diyos.” 4 Alam ni Jesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? 5 Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? 6 Dapat n’yong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” 7 At bumangon ang tao at umuwi.


8 Nang makita naman ito ng mga tao, napuno sila ng pagkamangha at nagpuri sa Diyos sa pagbibigay ng gayong kapangyarihan sa mga tao. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: