Hanapan ang Blog na Ito

Post Para sa Susunod na Linggo (23 Nobyembre 2025)

Daily Gospel - 30 Hunyo 2023

 

Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y gumaling ang lalaki sa kanyang ketong. (Mateo 8:3)

Mga Unang Martir ng Iglesia
ng Roma
Unang Pagbasa:  Genesis 17:1-22; Salmo: Awit 128:1-5;
Mabuting Balita: Mateo 8:1-4

1 Pagkababa ni Jesus mula sa bundok, maraming tao ang sumunod sa kanya. 

2 Lumapit sa kanya ang isang may ketong, at paluhod na nagsabi: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.”  3 Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyo’y gumaling ang lalaki sa kanyang ketong. 4 At sinabi ni Jesus sa kanya: “Mag-ingat ka, huwag mong sasabihin ito kanino man, kundi pumunta ka sa pari para suriin ka niya at ialay ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.”