Daily Gospel - 12 Hulyo 2023

 

Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’  (Mateo 10:7)

Pagbasa: Genesis 41:55-42:24; Salmo: Awit 33:2-19;
Mabuting Balita: Mateo 10:1-7


1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming  espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. 

2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; 3 sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; 4 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.

5 Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. 6 Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel.

7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: