Daily Gospel - 26 Hulyo 2023

 

Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. (Mateo 13:8)

San Joaquin at Sta. Ana,
magulang ni Birheng Maria
Pagbasa: Exodo 16:1-15; Salmo: Awit 78:18-19;
Mabuting Balita: Mateo 13:1-9

1 Nang araw ding iyon, umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan. 2 Ngunit maraming tao ang nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao. 3 At marami siyang ipinahayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga.
At sinabi ni Jesus: “Lumabas na ang maghahasik para maghasik. 

4 Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga iyon. 5 Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. 6 Ngunit pagsikat ng araw, nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito.  7 Nahulog ang iba pang buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. 8 Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. 9 Makinig ang may tainga!” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: