Daily Gospel - 31 Agosto 2023

 

Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan darating ang Anak ng Tao. (Mateo 24:44)

Pagbasa: 
1 Tesalonica 3:7-13; Salmo: Awit 90:3-17;
Mabuting Balita: Mateo 24:42-51


42 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. 43 Isipin ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya pababayaang pasukin ang bahay. 44 Kaya maging handa kayo sapagkat sa oras na hindi ninyo inaasahan darating ang Anak ng Tao.

45 Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katulong at sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang amo ang sambahayan nito para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras. 46 Kung sa pagdating ng kanyang amo ay matagpuan siya nitong tumutupad sa kanyang tungkulin, mapalad ang katulong na ito. 47 Talagang sinasabi ko sa inyo na ipagkakatiwala sa kanya ng amo ang lahat nitong pag-aari.

48 Sa halip ay nag-iisip naman ang masamang katulong: ‘Magtatagal ang aking panginoon.’ 49 Kayat sinimulan niyang pagmalupitan ang mga katulong na kasama niya samantalang nakikipagkainan at nakikipag-inumang kasama ng mga lasing. 50 Ngunit darating ang panginoon ng katulong na iyon sa oras na di niya inaasahan at sa panahong di niya alam. 51 Paaalisin  niya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya ng mga mapagkunwari. Doon nga may iyakan at pagngangalit ng ngipin. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: