Daily Gospel - 03 Oktubre 2023

 

“Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa langit para puksain sila?” (Lucas 9:54)

Pagbasa: Zacarias 8:20-23; Salmo: Awit 87:1-7;
Mabuting Balita: Lucas 9:51-56

51 Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jerusalem. 52 Nagpadala siya ng mga sugo para mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano para ihanda ang kanyang matutuluyan. 53 Pero ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta siya sa Jerusalem. 54 Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa langit para puksain sila?” 55 Lumingon si Jesus at pinagwikaan sila, 56 at sa ibang bayan sila nagpunta.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: