Daily Gospel - 17 Oktubre 2023

 

Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob! (Lucas 11:39)

San Ignacio de Antioquia
Pagbasa: Roma 1:16-25; Salmo: Awit 19:2-5;

Mabuting Balita: Lucas 11:37-41

37 Matapos magsalita si Jesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. 38 At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. 39 Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob! 40 Mga hangal! Di ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring maygawa ng loob? 41 Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo’y malinis na ang lahat. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: