Daily Gospel - 14 Nobyembre 2023

 

‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin’. (Lucas 17:10)

Pagbasa: Karunungan 2:23–3:9; Salmo: Awit 34:2-19;
Mabuting Balita: Lucas 17:7-10


7 Ipagpalagay nang may katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Ano’ng sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? 8 Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ 9 Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang iniutos? 10 Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin’.” 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: