Pagbasa: 1 Macabeo 1:10-64; Salmo: Awit 119:53-158;
Mabuting Balita: Lucas 18:35-4335 Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may isang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. 36 Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, itinanong niya kung bakit. 37 At may nagsabi sa kanya: “Sina Jesus na taga-Nazaret ang dumaraan.” 38 Kaya sumigaw siya: “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin.” 39 Pinagsabihan siya at pinatahimik ng mga nauuna pero lalo naman niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin.”
40 Kaya tumigil si Jesus at ipinadala ang bulag sa kanya, at nang malapit na ay itinanong: 41 “Ano’ng gusto mong gawin ko sa iyo?” Sinabi nito: “Panginoon, makakita sana ako.” 42 At sinabi ni Jesus: “Manumbalik ang paningin mo, iniligtas ka ng iyong pananalig.” 43 Agad siyang nakakita at niluluwalhati ang Diyos na sumunod kay Jesus. At nagpuri rin sa Diyos ang lahat ng nakakita rito.