Daily Gospel - 24 Nobyembre 2023


“Nasusulat: ‘Magiging bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!” (Lucas 19:46)

San Andres Dung Lac at mga kasama
Pagbasa: 1 Macabeo 4:3-59; Salmo: 1 Cronica 29:10-12;
Mabuting Balita: Lucas 19:45-48

45 Pumasok si Jesus sa patyo ng Templo at pinalayas ang mga nagtitinda, 46 at sinabi niya: “Nasusulat: ‘Magiging bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!”

47 Araw-araw na nangangaral si Jesus sa Templo. Hangad siyang patayin ng mga punong-pari at mga guro ng Batas, kasa-ma ang mga Matatanda ng bayan. 48 Ngunit wala silang magawa dahil taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan. 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: