Ebanghelyo At Mga Pagbasa Sa Linggo
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” (Mateo 5:3)
Unang Pagbasa: Pahayag 7:2-4.9-14
Ako’y si Juan, at nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan – sandaa’t apatnapu’t apat na libo buhat sa labindalawang lipi ng Israel.
Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Sila’y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Ang wika nila, “Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!”
Tinanong ako ng isa sa matatanda, “Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?” “Hindi ko po alam,” tugon ko. “Kayo ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.”
Salmo: Awit 24:1-2. 3-4. 5-6
Tugon: Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo!
Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.
Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo,
sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.
Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayon ang sinumang lumalapit sa Diyos,
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 3:1-3
Mga pinakamamahal: Isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos – at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayo’y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Kaya’t ang sinumang may pag-asa sa kanya ay nagpapakalinis, tulad ni Kristo – siya’y malinis.
Mabuting Balita: Mateo 5:1-12
Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito: “Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos. Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya. Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”
Gospel Reflection
Mission: Possible
Mahirap makapunta sa langit! Mahirap kung hindi man imposible.
Ito ang madalas nating ma-realize kapag dumaraan na tayo sa mga pagsubok at tukso. Nare-realize nating masyado tayong mahina para layuan ang kasalanan. Lalo na't madalas na inaatake tayo ng "kalaban" sa mga kahinaan natin.

At ito ang katotohanan, walang maliligtas kung ang aasahan lamang natin ay ang kakayahan natin bilang mga tao. Hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili. Hindi natin kayang maging mga banal.
So, imposible na ba para sa atin ang buhay matapos ang kamatayan dito sa lupa? Imposible na ba ang kaligtasan? Ang buhay na walang hanggan?
Sa araw na ito, ipinapaalala sa atin ng ating Simbahan na walang imposible sa grasya ng Diyos. Na may mga taong nakayang maging banal. Kung kinaya nila, walang dahilan para hindi natin kayanin.
Ang mga santo'y mga ordinaryo ring taong katulad natin. Sila man ay natukso at naging mga makasalanan. Naging mahihina.
Subalit dahil sa grasya ng Diyos at sa tulong ng Espiritu Santo, nagawa nilang yakapin ang buhay ng paglilingkod. Nagawa nilang ibigin ang Diyos ng higit sa lahat. Nagawa nilang ibigin ang kanilang kapwa ng tulad ng kanilang sarili.
Hindi sila naging banal agad-agad. Narinig nila ang pagtawag ng Diyos na araw-araw naman nating nai-ignore. Tumugon sila sa pagtawag na iyon. Hiningi nila ang gabay ng Espiritu Santo. Kumilos sila. Nagmahal. Isinaisip at isinapuso ang mga turo ng Panginoong Hesus. Ginawa nilang sentro ng kanilang buhay ang Diyos. Pinasan nila ang kanilang pang-araw-araw na krus at sumunod sa Kanya.
Hindi naging madali ang buhay ng mga santong ito, marami sa kanila ang naging aba at nahapis, pinag-usig, inalimura at pinagwikaan ng masama. Sa kabila ng mga ito, naging mapagkumbaba sila, minithi nilang tumupad sa kalooban ng Diyos, naging mahabagin, nagkaroon ng malinis na puso, naging daan ng pakikipagkasundo.
Matapos ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan, tinatanggap nila ang malaking gantimpala sa langit; ang buhay na walang-hanggan sa piling ng mga anghel at ng Diyos.
Ang mga santo'y mga clear reminder sa ating walang imposible sa Diyos. Kung hindi man natin kaya dahil mahihina tayo, hingin natin ang grasya ng Diyos. Hingin nating gabayan tayo ng Espiritu Santo upang makayanan nating harapin ang araw-araw nating mga buhay ayon sa kalooban ng ating Diyos. Yakapin natin ang mapangligtas Niyang pag-ibig.
Sa ganitong paraan, ang tila imposibleng task para sa ating mga Kristiyano ay nagiging posible sa pangalan at pagliligtas ni Hesus.
Panalangin:
Ama naming makapangyarihan sa lahat, papuri, pagsamba at pagluwalhati ang kaloob namin sa Iyo.
Ngayong ipinagdiriwang po namin ang Dakilang Kapistahan ng mga Banal, humugot po sana kami ng inspirasyon at ng lakas ng loob sa kanilang mga naging buhay dito sa mundo. Katulad po nila, sikapin din po sana naming sumunod sa halimbawa ng aming Panginoong Hesus. Narito po kami, tumutugon din sa Iyong pagtawag sa amin. Tinatanggap din po namin ang kaligtasang ipinagkakaloob Mo sa pamamagitan ni Hesus.
Idinadalangin din po namin ang mga mahal namin sa buhay na aalalahanin namin sa Kapistahan ng mga Yumao. Ipagkaloob Mo po sa kanila ang iyong banal na awa. Kamtin po sana nila ang buhay na walang hanggan sa piling Mo.
Aming Inang Birheng Maria at lahat ng mga Santo, ipanalangin N'yo po kami (lalo na po sa panahong ito ng pandemya ng COVID-19).
Sa pangalan ni Hesus, nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.