Sunday Gospel Reflection
Ikalimang Linggo Ng Pasko Ng Muling Pagkabuhay

07 Mayo 2023
I-click dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 18 Mayo 2014.)

Sa isang bahagi ng aking buhay, naging madilim ang lahat para sa akin. Tanda ko ang mga gabing hindi ako mapagkatulog. Sabi nga, isip ng isip pero wala namang iniisip.
Magulung-magulo ang isip ko noon. Bilang isang teen-ager na hindi pa sanay sa buhay, binabagabag ako ng maraming mga katanungan. Bakit ganito? Bakit ganyan?
May mga pagkakataon pa ngang ipinagdarasal kong pagkatulog ko ay huwag na sana akong magising. Ayaw ko namang magpakamatay dahil alam kong kasalanan 'yon. Pero habang lumilipas ang mga taon, napagtanto kong nang mga panahoh na 'yun ay ayoko nang mabuhay subalit takot akong mamatay-- kapalaran nga naman ng isang duwag.
Hanggang sa wala akong matakbuhan kundi ang Diyos. Nagdasal ako. Kinausap ko Siya. Nakipagkuwentuhan ako sa Kanya. Pinakinggan ko Siya sa katahimikan ng aking puso. Basta tumitigil lang ako sa pagsasalita. Itinitigil ko kung anuman ang aking mga iniisip. Pinakinggan ko ang dating maliit Niyang tinig sa aking puso.
Maraming nagbago buhat noon. Marami akong nalaman tungkol sa Kanya.
Siya ang Daan...
Binigyan Niya ng direksyon ang aking buhay. Natuto akong mangarap para sa sarili ko. Para sa aking kapwa. Para sa aking komunidad. Nagkaroon ako ng vision.
Siya ang Katotohanan...
Malayo ang Kanyang katotohanan sa katotohanang inaalok ng mundo. Hindi nasagot ng aking paghahanap sa Kanya ang marami sa aking mga katanungan subalit naibigay Niya ang mga kasagutan sa mahahalagang mga katanungan. Sapat iyon upang manatili ako sa Kanyang pag-ibig.
Siya ang Buhay...
Para akong zombie noon. Naglalakad. Kumakain. Natutulog. Gumigising. Humihinga. Pero alam ko sa loob ko na may kulang. Parang may malaking espasyo sa buhay ko na dapat mapunan.
Nang makilala ko si Hesus, napunan ang espasyong iyon. Nagkakaroon ako ng buhay. Buhay na hindi lang basta existence. Buhay na may kabuluhan. May pag-asa. May kahulugan. May katiyakan.
Tunay nga, si Hesus ang tanging Daan natin patungo sa Ama; Siya ang Katotohanang magpapalaya sa atin sa pagkaalipin sa kasalanan at kalungkutan at kawalang-pag-asa; Siya ang Buhay at muling pagkabuhay, ang pinagmumulan ng buhay na walang hanggan.
Panalangin:
Pagsamba, pagpupuri at pasasalamat ang handog namin sa Iyo, aming Ama. Ang Iyong kabutihan ang dahilan kung bakit kami naririto. Kabutihan Mo ang bukal ng aming mga buhay. Hayaan Mo pong ihandog namin sa Iyo ang buhay namin at buong pagkatao sa Iyo.
Palakasin Mo po ang aming pananalig na nanghihina. Papag-apuyin Mo po ito upang magawa naming ihayag sa Mundo ang pananampalataya namin sa Iyong Anak na Panginoon namin. Si Hesus ang Salitang nagkatawang-tao. Ang Salitang kasama Mo na noon pang una. Siya ay Diyos. Nilikha ang lahat sa pamamagitan Niya at walang nalikha kung wala Siya.
Tulungan Mo po kaming makita ang kilos ng Espiritu Santo. Turuan po sana Niya kaming sumunod sa Iyong kalooban. Si Hesus ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Hayaan Mo pong sa pamamagitan ng aming pananalig sa Kanya ay makalapit kami sa Inyo.
Ama, idinadalangin din po namin ang aming ina at ang lahat ng ina sa mundo. Patuloy po sana naming pahalagahan at suklian ang kanilang pag-ibig sa amin. Maipadama at maipahayag po sana naming lagi sa kanila ang aming pagmamahal.
Ang lahat ng ito sa Pangalan ni Hesus. Amen.