22 - 28 Hunyo 2014

Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan." (Mateo 11:28)

22-Linggo 23-Lunes 24-Martes 25-Miyerkules 26-Huwebes 27-Biyernes 28-Sabado

_________________________________________

22 Hunyo 2014
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. 

(Unang Pagbasa: Deuteronomio 8:2-3. 14-16; Salmo: Awit 147:12-13. 14-15. 19-20; Ikalawang Pagbasa: 1 Corinto 10:16-17; Mabuting Balita: Juan 6:51-58)
I-click po dito para sa Gospel Reflection. 

"Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan." (Juan 6:51)

_________________________________________

23 Hunyo 2014
Pagbasa: 2 Hari 17:5-18; Salmo: Awit 60:3-13; 
Mabuting Balita: Mateo 7:1-5

1 "Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. 2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. 3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? 4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong troso ang nasa mata mo? 5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

24 Hunyo 2014
Unang Pagbasa: Isaias 49:1-6; Salmo: Awit 139:1-15
Ikalawang Pagbasa: Gawa 13:22-26
Mabuting Balita: Lucas 1:57-66. 80

57 Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki. 58 Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak nang mabalitaan nilang siya'y pinagpala ng Panginoon.

59 Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama, 60 ngunit sinabi ni Elisabet, "Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya."

61 "Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan," tugon nila. 62 Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol.

63 Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, "Juan ang pangalan niya." Namangha ang lahat. 64 Noon din ay nakapagsalita si Zacarias, at nagsimulang magpuri sa Diyos. 65 Natakot ang lahat ng tagaroon, at naging usap-usapan sa buong bulubundukin ng Judea ang mga bagay na iyon. 66 Pinag-isipan ito ng mga nakabalita, anupa't naging tanong nilang lahat, "Magiging ano kaya ang batang ito?" Sapagkat maliwanag na nasa kanya ang Panginoon.

80 Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na magpakilala siya sa bansang Israel.

25 Hunyo 2014
Pagbasa: 2 Hari 22:8-23:3; Salmo: Awit 119:33-40; 
Mabuting Balita: Mateo 7:15-20

15 "Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20 Kaya't makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa."

26 Hunyo 2014
Pagbasa: 2 Hari 24:8-17; Salmo: Awit 79:1-9; 
Mabuting Balita: Mateo 7:21-29

21 "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, 'Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan?' 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, 'Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.'"

24 "Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak."

28 Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang mga katuruang ito 29 sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.

27 Hunyo 2014
Unang Pagbasa: Deuteronomio 7:6-11; Salmo: Awit 103:1-10
Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 4:7-16
Mabuting Balita: Mateo 11:25-30

25 Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, "Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. 26 Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.

27 "Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.

28 "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan 30 sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo."

28 Hunyo 2014
Pagbasa: Isaias 61:9-11; Salmo: 1 Samuel 2:1-8; 
Mabuting Balita: Lucas 2:41-51

41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. 42 Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. 43 Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. 44 Maghapon na silang nakapaglakbay na inaakalang kasama nila ang bata ngunit napansin nilang wala pala siya. Siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit 45 hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, 47 at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan. 48 Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, "Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo."

49 Sumagot si Jesus, "Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?" 50 Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

51 Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. 

22-Linggo 23-Lunes 24-Martes 25-Miyerkules 26-Huwebes 27-Biyernes 28-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: