“Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.” (Mateo 25:29)
Unang Pagbasa: Kawikaan 31:10-13.19-20.30-31
Mahirap makakita ng mabuting
asawa, higit sa mamahaling alahas
ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala
ng kanyang asawa, at saganang
pakinabang ang makakamit niya.
Pinaglilingkuran niya ang kanyang
asawa habang sila’y nabubuhay,
pawang kabutihan ang ginagawa at
di kasamaan. Wala siyang tigil sa
paggawa, hindi na halos nagpapahinga,
humahabi ng kanyang lino at
saka ng lana. Siya’y gumagawa ng
mga sinulid at humahabi ng sariling
damit. Matulungin siya sa mahirap
at sa nangangailangan ay bukas
ang palad.
Magdaraya ang pang-akit at
kumukupas ang ganda ngunit ang
babaing may takot sa Panginoon ay
pupurihin ng balana. Ibunton sa kanya
ang lahat ng parangal, karapat-dapat
siya sa papuri ng bayan.
Salmo: Awit 128 1-2. 3. 4-5
Tugon: Mapalad ang sumusunod
na
taong may takot sa D’yos!
Mapalad ang bawat tao na sa
Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Sa tahanan, ang asawa’y parang
ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.
Ang sinuman kung ang Diyos
buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.
Ikalawang Pagbasa: 1 Tesalonica 5:1-6
Mga kapatid: Hindi na kailangang
isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap
ang mga bagay na ito, sapagkat
alam na ninyong ang pagdating
ng Araw ng Panginoon ay tulad sa
pagdating ng magnanakaw. Kapag
sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at
panatag ang lahat,” biglang darating
ang kapahamakan. Hindi sila makaiiwas
sapagkat ang pagdating nito’y
tulad ng pagsumpong ng pagdaramdam
ng babaing manganganak.
Ngunit hindi kayo nabubuhay sa
kadiliman, mga kapatid, kaya’t hindi
kayo mabibigla sa Araw na yaon na
darating na parang magnanakaw.
Kayong lahat ay kabilang sa panig
ng kaliwanagan – sa panig ng araw –
hindi sa panig ng kadiliman o ng gabi.
Kaya nga, kailangang tayo’y
manatiling gising, laging handa, at
malinaw ang isip – di tulad ng iba.
Mabuting Balita: Mateo 25:14-30
Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad ang
talinghagang ito:
“Ang paghahari ng Diyos ay
maitutulad dito: May isang taong
maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala
sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan
niya ng salapi ang bawat isa
ayon sa kanya-kanyang kakayahan:
binigyan niya ang isa ng limanlibong
piso, ang isa nama’y dalawanlibong
piso, at ang isa pa’y sanlibong piso.
Pagkatapos, siya’y umalis.
Humayo agad ang tumanggap
ng P5,000 at ipinangalakal iyon. At
nagtubo siya ng P5,000. Gayon din
naman, ang tumanggap ng P2,000
ay nagtubo ng P2,000. Ngunit ang
tumanggap ng P1,000 ay humukay
sa lupa at itinago ang salapi ng
kanyang panginoon.
Pagkaraan ng mahabang panahon,
bumalik ang panginoon ng
mga aliping iyon at pinapagsulit sila.
Lumapit ang tumanggap ng P5,000.
Wika niya: ‘Panginoon, heto po
ang P5,000 na bigay ninyo sa akin.
Heto pa po ang P5,000 na tinubo
ko.’ Sinabi sa kanya ng panginoon,
‘Magaling! Tapat at mabuting alipin!
Yamang naging tapat ka sa kaunting
halaga, pamamahalain kita sa
malaking halaga. Makihati ka sa
aking kagalakan!’ Lumapit din ang
tumanggap ng P2,000, at ang sabi,
‘Panginoon, heto po ang ibinigay
ninyong P2,000. Heto naman po ang
P2,000 tinubo ko.’ Sinabi ng kanyang
panginoon, ‘Magaling! Tapat at
mabuting alipin! Naging tapat ka sa
kaunting halaga, kaya pamamahalain
kita sa malaking halaga. Makihati ka
sa aking kagalakan!’
At lumapit naman ang tumanggap
ng P1,000. ‘Alam ko pong kayo’y
mahigpit,’ aniya. ‘Gumagapas kayo
sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani
sa hindi ninyo hinasikan. Natakot
po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa
ang inyong salapi. Heto na po ang
P1,000 ninyo.’ ‘Masama at tamad na
alipin!’ tugon ng kanyang panginoon.
‘Alam mo palang gumagapas
ako sa hindi ko tinamnan at nagaani
sa hindi ko hinasikan! Bakit
hindi mo iyan inilagak sa bangko,
di sana’y may nakuha akong tubo
ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang
P1,000 at ibigay sa may P10,000.
Sapagkat ang mayroon ay bibigyan
pa, at mananagana; ngunit ang
wala, kahit ang kakaunting nasa
kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo
sa kadiliman sa labas ang aliping
walang kabuluhan. Doo’y tatangis
siya at magngangalit ang kanyang
ngipin.’ ”