“Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail.” (Lucas 1:17)
Unang Pagbasa: Huk 13:2-7.
24-25
Noong mga araw na iyon, sa
bayan ng Zora ay may isang lalaking
Manoa ang pangalan, kabilang sa
lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi
magkaanak. Minsan, napakita sa
babae ang anghel ng Panginoon,
at sinabi, “Hanggang ngayo’y wala
kang anak. Ngunit hindi magtatagal,
maglilihi ka at manganganak. Mula
ngayon ay huwag kang iinom ng
anumang uri ng alak ni titikim ng
anumang bawal na pagkain. Kung
maipanganak mo na siya, huwag
mong papuputulan ng buhok pagka’t
mula pa sa kanyang pagsilang ay
itatalaga na siya sa Diyos. Siya ang
magsisimulang magligtas sa Israel
mula sa mga Filisteo.”
Ang babae’y lumapit sa kanyang
asawa at kanyang sinabi, “Napakita
sa akin ang isang propeta ng Diyos,
parang anghel. Kinikilabutan ako!
Hindi ko tinanong kung tagasaan
siya at hindi naman niya sinabi kung
sino siya. Huwag daw akong iinom
ng alak ni titikim ng anumang bawal
na pagkain pagka’t ang sanggol na
isisilang ko’y itatalaga sa Diyos.”
Dumating ang araw at nanganak
ang asawa ni Manoa. Lalaki ang
sanggol at pinangalanan nilang
Samson. Lumaki ang bata na patuloy
na pinagpapala ng Panginoon. Ang
Espiritu ng Panginoon ay lumukob
kay Samson.
Salmo: Awit 71:3-4. 5-6. 16-17
Tugon: Lagi kong papupurihan
ang
iyong kapangyarihan!
Ikaw nawa ang muog ko at ligtas
na kakanlungan, matatag na kublihan
ko at matibay na sanggalang. Sa
lahat ng masasama, O Diyos, ako’y
ipaglaban.
Panginoon, sa iyo ko inilagak
ang pag-asa, maliit pang bata ako,
sa iyo’y may tiwala na; sa simula
at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging
ikaw lamang.
Pagkat ikaw, Panginoon, ay
malakas at dakila, ang taglay mong
katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong
tinuruan, hanggang ngayo’y sinasambit
ang gawa mong hinangaan.
Mabuting Balita: Lucas 1:5-25
Noong si Herodes ang hari ng
Judea, may isang saserdote na ang
ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias.
At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang
asawang si Elisabet. Kapwa sila
kalugud-lugod sa paningin ng Diyos,
namumuhay nang ayon sa mga utos
at tuntuning mula sa Panginoon.
Wala silang anak sapagkat baog si
Elisabet, at sila’y matanda na.
Ang pangkat ni Zacarias ang
nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod
sa harapan ng Diyos bilang
saserdote. Nang sila’y magsapalaran,
ayon sa kaugalian ng mga saserdote,
siya ang nahirang na maghandog ng
kamanyang. Kaya’t pumasok siya
sa templo ng Panginoon sa oras
ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas
ang mga tao at nananalangin. Walang
anu-ano’y napakita sa kanya ang
isang anghel ng Panginoon, nakatayo
sa gawing kanan ng dambanang
sunugan ng kamanyang.
Nagulat
si Zacarias at sinidlan ng matinding
takot nang makita ang anghel. Ngunit
sinabi nito sa kanya, “Huwag kang
matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos
ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet
ay magkakaanak ng isang lalaki,
at Juan ang ipangangalan mo sa
kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging
maligaya, at marami ang magagalak
sa kanyang pagsilang sapagkat
siya’y magiging dakila sa paningin
ng Panginoon. Hindi siya iinom ng
alak o anumang inuming nakalalasing.
Sa sinapupunan pa lamang ng
kanyang ina, mapupuspos na siya
ng Espiritu Santo. Marami sa mga
anak ng Israel ang panunumbalikin
niya sa kanilang Panginoong Diyos.
Mauuna siya sa Panginoon, taglay
ang espiritu at kapangyarihan ni Elias,
upang pagkasunduin ang mga ama
at ang mga anak, at panumbalikin sa
daan ng matuwid ang mga suwail. Sa
gayon, ipaghahanda niya ng isang
bayan ang Panginoon.”
Sinabi ni Zacarias sa anghel,
“Paano ko po matitiyak na mangyayari
ito? Sapagkat ako’y napakatanda
na at gayon din ang aking asawa.”
Sumagot ang anghel, “Ako si Gabriel
na naglilingkod sa harapan ng Diyos.
Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang
mabuting balitang sinabi ko na sa
iyo. At ngayon, mabibingi ka’t hindi
makapagsasalita hanggang sa araw
na maganap ang mga bagay na ito,
sapagkat hindi ka naniwala sa mga
sinabi ko na matutupad pagdating
ng takdang panahon.”
Samantala, naghihintay naman
kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka
sila kung bakit nagtagal siya nang
gayon sa loob ng templo. Paglabas
niya ay hindi na siya makapagsalita,
mga senyas na lamang ang ginagamit
niya; kaya natanto nila na nakakita
siya ng pangitain. At siya’y nanatiling
pipi.
Nang matapos ang panahon ng
kanyang paglilingkod ay umuwi na
siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si
Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay
sa loob ng limang buwan. “Ngayo’y
nilingap ako ng Panginoon,” wika ni
Elisabet. “Ginawa niya ito upang alisin
ang aking kadustaan sa harapan ng
mga tao!”