“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas." (Lucas 1:46-47)
Unang Pagbasa: 1 Samuel 1:24-28
Noong mga araw na iyon, nang
maawat na si Samuel, dinala siya
ng kanyang ina sa Templo sa Silo.
Nagdala pa siya ng isang torong
tatlong taon, tatlumpu’t anim na
litrong harina at isang pitsel na alak.
Nang maihandog na ang baka, dinala
nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana,
“Kung natatandaan ninyo, ako po
yaong babaing tumayo sa tabi ninyo
noon at nanalangin sa Panginoon.
Idinalangin ko sa kanya na ako’y
pagkalooban ng anak at ito po ang
ibinigay niya sa akin. Kaya naman
po, inihahandog ko siya sa Panginoon
upang maglingkod sa kanya
habang-buhay.” Pagkatapos nito,
nagpuri sila sa Panginoon.
Salmo: Awit 24: 1-2. 3-4. 5-6
Tugon: Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas!
Pinupuri ko kayo, Poon, dahil
sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan
ko ngayon ang aking mga
kaaway,
sapagka’t iniligtas ninyo ako
sa kadustaan.
Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalalakas ninyo
ang mahihina.
Kaya, ang dating
mayayaman ay nagpapaupa para
mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog,
nagsilang ng mga anak,
at ang
maraming supling ay sa lungkot
nasadlak.
Kayo, Poon, ay may kapangyarihang
magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari
ring buhayin.
Maaari ninyo kaming
payamanin o paghirapin, maaari ring
ibaba o itaas.
Mapadadakila ninyo kahit ang
pinakaaba,
mahahango sa kahirapan
kahit ang pinakadukha.
Maihahanay
ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na
ang dustang-dusta.
Mabuting Balita: Lucas 1:46-56
Noong panahong iyon, ipinahayag
ni Maria ang awit na ito:
“Ang
puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu dahil
sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang
abang alipin!
At mula ngayon, ako’y
tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na
ginawa sa akin ng Makapangyarihan
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan
niya ang mga may takot
sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang
mga bisig,
pinangalat niya ang mga
palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang
mga hari mula sa kanilang trono,
at
itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mga mabubuting
bagay ang mga nagugutom,
at
pinalayas niyang wala ni anuman
ang mayayaman.
Tinulungan niya
ang kanyang bayang Israel,
bilang
pagtupad sa pangako niya sa ating
mga magulang,
kay Abraham at sa
kanyang lahi, magpakailanman!”
Nanatili si Maria kina Elisabet nang
may tatlong buwan, at saka umuwi.