Sinabi ni Moises sa mga tao:
“Ngayon, mga Israelita, upang
mabuhay kayo nang matagal at
makarating sa lupaing ibinigay sa
inyo ng Panginoon, unawain ninyong
mabuti at sundin ang tuntuning
itinuturo ko sa inyo. Huwag ninyo
itong daragdagan ni babawasan.
Sundin ninyo ito nang walang labis
at walang kulang.
Unawain ninyo ito at sunding
mabuti. Sa gayon, makikita ng ibang
bansa ang inyong karunungan at
lawak ng pang-unawa. Sa gayon,
hindi nila mapipigilang sabihin ang
ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino
at may malawak na pagkaunawa.’
Sinong diyos ng ibang bansa ang
handang tumulong ano mang oras
liban sa Panginoon? Aling bansa
ang may tuntuning kasing-inam ng
mga tuntuning ibinigay ko sa inyo
ngayon?”
Salmo: Awit 15:2-3. 3-4. 4-5
Tugon: Sino kaya’ng tatanggapin
sa
templo ng Poon natin?
Yaong mga masunurin na sa iyo’y
nakikinig,
at ang laging ginagawa’y
naaayon sa matuwid.
Kung mangusap
ay totoo, sa lahat at bawat saglit,
yaong gawang paninira’y hindi niya
naiisip.
Kailanman, siya’y tapat makisama
sa kapwa,
sa kanyang kaibiga’y
wala siyang maling gawa.
Hindi siya nagkakalat ng di tunay
na balita.
At itinatampok niya ang
matapat sa lumikha.
Hindi siya humihingi ng patubo
sa pautang,
at kahit na anong gawi’y
hindi siya masuhulan,
upang yaong
walang sala’y patawan ng kasalanan.
Ang ganitong mga tao’y mag-aani ng
tagumpay.
Ikalawang Pagbasa: Santiago 1:17-18. 21-22. 27
Mga kapatid: Bawat kaloob na
mabuti at ganap ay buhat sa langit,
mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw
sa langit. Hindi siya nagbabago.
Hindi niya tayo iniiwan o binabayaan
man sa dilim. Niloob niyang tayo’y
maging anak niya sa pamamagitan
ng salita ng katotohanan, upang
matangi tayo at maging higit sa lahat
ng kanyang mga nilalang.
Buong pagpapakumbabang
tanggapin ang salita ng Diyos na
natanim sa inyong puso. Ito ang
makapagliligtas sa inyo. Mamuhay
kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung
ito’y pinakikinggan lamang ninyo
ngunit hindi isinasagawa, dinadaya
ninyo ang inyong sarili.
Ganito ang pagkarelihiyoso na
minamarapat at kinalulugdan ng
ating Diyos at Ama: tulungan ang
mga ulila at mga babaing balo sa
kanilang kahirapan, at ingatan ang
sarili na huwag mahawa sa kasamaan
ng sanlibutang ito.
Mabuting Balita: Marcos 7:1-8.14-15. 21-23
Noong panahong iyon, may mga
Pariseo at ilang eskribang galing sa
Jerusalem, na lumapit kay Hesus.
Nakita nila na ang ilan sa mga alagad
ni Hesus ay kumain nang hindi muna
naghugas ng kamay sa paraang
naaayon sa turong minana nila.
Ang mga Judio, lalo na ang
mga Pariseo, ay hindi kumakain
hangga’t hindi nakapaghuhugas ng
kamay ayon sa mga turong minana
nila sa kanilang mga ninuno. Hindi
rin sila kumakain ng anumang galing
sa palengke nang hindi muna
ito hinuhugasan. At marami pang
ibang minanang turo ang kanilang
sinusunod, tulad ng tanging paraan
ng paghuhugas ng mga inuman, ng
mga saro, ng mga sisidlang tanso,
at mga higaan.
Kaya’t tinanong si Hesus ng mga
Pariseo at mga eskriba, “Bakit hindi
sumusunod ang mga alagad mo
sa mga turo ng ating mga ninuno?
Kumain sila nang hindi man lamang
naghugas ng kamay ayon sa paraang
iniutos!” Sinagot sila ni Hesus, “Tama
ang hula ni Isaias tungkol sa inyo.
Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya
ng kanyang isinulat:
‘Paggalang na handog sa ‘kin
ng bayan ko’y paimbabaw lamang,
sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito
bumubukal. Pagpuri’t pagsambang
ginagawa nila’y walang kabuluhan,
ang utos ng tao ay itinuturong utos
ng Maykapal.’ Niwawalang-kabuluhan
nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang
sinusunod ninyo’y ang turo ng tao.”
Muling pinalapit ni Hesus ang
mga tao at sinabi sa kanila, “Makinig
kayong lahat, at unawain ang aking
sasabihin! Hindi ang pumapasok sa
bibig ng tao ang nakapagpaparumi
sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang
mga nagmumula sa kanya. Sapagkat
sa loob – sa puso ng tao – nagmumula
ang masasamang isipang nag-uudyok
sa kanya na makiapid, magnakaw,
pumatay, mangalunya, mag-imbot,
at gumawa ng lahat ng kabuktutan,
tulad ng pagdaraya, kahalayan,
pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan,
at kahangalan. Ang lahat
ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao,
at siyang nagpaparumi sa kanya.”