(Sulat, Salmo - Aleluya at Mabuting Balita)
Ebanghelyo At Mga Pagbasa
“Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala na siya rito – siya’y muling nabuhay!” (Lucas 24:5-6)
Mga kapatid: Hindi ba ninyo nalalaman
na tayong lahat na nabinyagan
kay Kristo Hesus ay nabinyagan
sa kanyang kamatayan? Samakatwid,
tayo’y namatay at nalibing na kasama
niya sa pamamagitan ng binyag upang
kung paanong binuhay na muli si
Kristo sa pamamagitan ng dakilang
kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y
mabuhay sa isang bagong pamumuhay.
Sapagkat kung nakaisa tayo ni
Kristo sa isang kamatayang tulad ng
kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa
niya tayo sa isang muling pagkabuhay
tulad ng kanyang pagkabuhay.
Alam natin na ang dati nating pagkatao
ay ipinakong kasama niya upang
mamatay ang makasalanang katawan
at nang hindi na tayo maalipin pa ng
kasalanan. Sapagkat ang namatay na
ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang
mabubuhay tayong kasama ni Kristo
kung namatay tayong kasama niya.
Alam nating si Kristo na muling binuhay
ay hindi na muling mamamatay.
Wala nang kapangyarihan sa kanya
ang kamatayan. Nang siya’y mamatay,
namatay siya nang minsanan para sa
kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y
para sa Diyos. Kaya dapat ninyong
ibilang ang inyong sarili na patay na
sa kasalanan datapwat buhay naman
para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa
kay Kristo Hesus.
Salmo: Awit 117
Tugon: Aleluya! Aleluya! Aleluya!
O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”
Ang lakas ng Poon, ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay
ako upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay, sa lahat ng bato’y higit na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos. Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.
Mabuting Balita: Lucas 24:1-12
Umagang-umaga nang araw ng Linggo, ang mga babae’y nagtungo sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila, naratnan nilang naigulong na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan. Ngunit nang pumasok sila, wala ang bangkay ng Panginoong Hesus. Samantalang nagugulo ang kanilang isip tungkol dito, nakita nila’t sukat sa tabi nila ang dalawang lalaking nakasisilaw ang damit. Dahil sa matinding takot, sila’y lumuhod, sayad ang mukha sa lupa.
Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala na siya rito – siya’y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya: ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang maipagkanulo sa mga makasalanan at maipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabuhay.’ ”
At naalaala ng mga babae ang mga sinabi niya. Pagbabalik mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng ito sa Labing-isa at sa iba pang kasama nila. Ang mga babaing ito’y sina Maria Magdalena, Juana, at Mariang ina ni Santiago; sila at ang iba pang mga babaing kasama nila ang nagbalita nito sa mga apostol. Ngunit inakala ng mga apostol na kahibangan lamang ang kanilang sinabi, kaya hindi nila pinaniwalaan ang mga babae. Gayunma’y tumindig si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan. Yumukod siya at pagtingin sa loob ay wala siyang nakita kundi ang mga kayong lino. Kaya’t umuwi siyang nagtataka sa nangyari.