Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon - 07 Hulyo 2013



Tumalon sa: Salmo Ikalawang Pagbasa Mabuting Balita 

Unang Pagbasa: Isaias 66:10-14

10 Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya;
kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito!
Kayo'y makigalak at makipagsaya,
lahat kayong tumangis para sa kanya.


11 Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya,
tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.


12 Sabi ni Yahweh:
"Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan.
Ang kayamanan ng ibang bansa
ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog.
Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal
na inaaruga ng kanyang ina.


13 Aaliwin kita sa Jerusalem,
tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.


14 Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito;
ikaw ay lalakas at lulusog.
Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh
ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin;
at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway." 


Tumalon sa:Unang Pagbasa Ikalawang Pagbasa Mabuting Balita 

Salmo: Awit 135:1-6 

1 Sumigaw sa galak ang mga nilalang!

2 At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na papuri sa kanya'y ibigay!
Awitan siya't luwalhatiin siya!


3 Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
"Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga;
yuyuko sa takot ang mga kaaway,
dahilan sa taglay mong kapangyarihan.


4 Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala'y pinupuri nila." (Selah) a


5 Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,
ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.


6 Naging tuyong lupa kahit na karagatan,
mga ninuno nati'y doon dumaan;
doo'y naramdaman labis na kagalakan.


7 Makapangyarihang hari kailanman,
siya'y nagmamasid magpakailanman;
kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)


8 Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,
inyong iparinig papuring malugod.


9 Iningatan niya tayong pawang buhay,
di tayo bumagsak, di niya binayaan!


10 O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,
sinubok mo kami upang dumalisay;
at tulad ng pilak, kami'y idinarang.


11 Iyong binayaang mahulog sa bitag,
at pinagdala mo kami nang mabigat.


12 Sa mga kaaway ipinaubaya,
sinubok mo kami sa apoy at baha,
bago mo dinala sa dakong payapa.


13 Ako'y maghahandog sa banal mong templo
ng aking pangako na handog sa iyo.


14 Pati pangako ko, nang may suliranin,
ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.


15 Natatanging handog ang iaalay ko;
susunuging tupa, kambing, saka toro,
mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)


16 Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,
at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.


17 Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri,
kanyang karangalan, aking sinasabi.


18 Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy,
di sana ako dininig ng ating Panginoon.


19 Ngunit tunay akong dininig ng Diyos,
sa aking dalangin, ako ay sinagot.


20 Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan,
pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.


Tumalon sa: Unang Pagbasa Salmo Mabuting Balita 

Ikalawang Pagbasa: Galacia 6:14-18

14 Huwag nawang mangyari sa akin ang ganon. Ang ipinagmamalaki ko ay ang kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo. 15 Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga'y kung siya nga ay naging bagong nilalang. 16 Manatili nawa ang kapayapaan at habag ng Diyos sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa buong bayan ng Diyos.
                
17 Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap. Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako'y lingkod ni Jesus.
                
18 Mga kapatid, sumainyo nawang lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.

Tumalon sa:  Unang Pagbasa Salmo Ikalawang Pagbasa  


Mabuting Balita: Lucas 10:1-20

1 Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa. Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya. 2 Sinabi niya sa kanila, "Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani. 3 Sige pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, o sandalyas. Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan. 5 Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, 'Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!' 6 Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan. 7 Makituloy kayo sa bahay na iyan at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo. 8 Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon, 'Malapit na kayong pagharian ng Diyos.'

Tumalon sa: Unang Pagbasa Salmo Ikalawang Pagbasa Mabuting Balita



Mga kasulyap-sulyap ngayon: