Si Hesus Sa Buhay Ko

( Note: Ito ang unang interactive post ng Sa Isa Pang Sulyap. Ang nilalaman ng post na ito  ay nakasalalay sa isasagot ng mga mambabasa sa tanong na: Sino si Hesus sa buhay ko? (Who is Jesus in my life?)  
Mangyari lamang na i-comment ang iyong sagot sa fb comment  box na matatagpuan sa ilalim ng post o sa larawang naka-post sa fb page ng blog na ito. Puwedeng sagutin ang tanong sa Filipino o Ingles.
Sisikaping idagdag sa post ang lahat ng inyong mga kasagutan. Walang tama o mali. Subalit may karapatan ang may-akdang tumangging isama ang ibang kasagutang malayo sa tanong o maaaring maka-offend sa ibang tao o may halong kalokohan. 

Maghihintay kami ng mga kasagutan hanggang July 7, 2013. God bless us all! )

Ika-12 Linggo ng Karaniwang Panahon
23 Hunyo 2013     
Basahin ang Ebanghelyo dito: Lucas 9:18-24



Sa ating Ebanghelyo sa Linggong ito, tinanong ni Hesus ang mga alagad Niya kung sino Siya para sa kanila. Naging mabilis at matatag ang isinagot ni Pedro, "Kayo po ang Cristo na sinugo ng Diyos!" (Lucas 9:20)

Bilang pagninilay sa linggong ito, tila maririnig nating nagtatanong si Hesus sa puso natin. 

"Sino si Hesus sa buhay ko?"

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga nag-comment: 

Ine Sevilla JESUS is my LIFE (a)nd JESUS is in my LIFE.AMEN!

Obispo RonaldJay Si Hesus sa buhay ko? Siya ang aking Taga-pagpaalala ng mabuting Gawa, Gabay, Inspirasyon, Daan, Katotohanan at Buhay.

Jojo Tolentino The Son of God. Amen.

Joseph Enriquez Jesus is our Lord & Salvation..

Clarisse Wilson Basa He is my life. 

Kmer Jaeriz Mesina Si Jesus ang dahilan kung bakit ako nabubuhay, siya ang nagbigay sa akin ng BUHAY kaya ibibigay ko din ang BUHAY ko sa kanya.

Noel Felix Jr. Tagapagligtas ko at gabay sa araw araw.

Dongie Bayani Si Hesus ay ang aking gabay at tagapagligtas

Aida Cordon Bulatao Jesus is my Divine Healer. 

Sa unang basa o dinig, parang napakasimple ng tanong. Alam na natin ang sagot noon pa. Itinuro na sa atin ng mga magulang at ng mga katekista natin noong mga bata pa tayo. Pero kung pakasusuriin natin ang ating mga puso at kung ikokonekta natin ang mga sagot natin sa pang-araw-araw nating mga buhay, malalaman nating hindi kayang ipaliwanag ng iilang pangungusap ang lahat. 

Na sa huli, ang ating mga buhay ang tunay na pagpapahayag ng ating pagkakakilala kay Hesus. Ang buhay natin ang salamin ng ating tunay na pananampalataya.

Ikaw, sino si Hesus sa buhay mo?

Panalangin:

O aming Ama, purihin at sambahin ka ng aming kaluluwa sa pamamagitan ni Hesus na aming Panginoon. Pinasasalamatan Ka naming lagi sa taglay mong kabutihang nagtulak sa Iyong pag-ibig na ipagkaloob ang Iyong Bugtong na Anak.

Gabayan po nawa kami ng Banal na Espiritu sa lalo pang pagkilala kay Kristo. Manatili po sana sa amin at pag-aalab at pagkauhaw na lalo pa Siyang makilala. Matagpuan po nawa namin ang kagalakan sa pakikisalo namin sa Kanyang banal na katawan at dugo sa Eukaristiya.

Katulad ni Pedro, matapang man naming ipinapahayag ang pag-ibig namin sa Kanya, taglay din po namin ang kahinaan. May mga pagkakataong itinatatwa rin namin Siya at sinasabi naming di namin Siya kilala. Patawad po, o aming Diyos.

Ang pagsamba nawa namin sa Kanya ay hindi lamang nagsisimula at nagtatapos sa aming mga labi. Tulungan Mo po kaming isabuhay ang Kanyang mga Salita. Makita nawa ang Kanyang kaluwalhatian sa pang-araw-araw naming mga buhay.

Sa ngalan ni Hesus, ang Kristong isinugo Mo, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: