Announcements!

We Are Under Renovation! 
28 Mayo 2015

Nagkakaroon tayo ng mga teknikal na problema sa ating website buhat pa kahapon (27 Mayo). Ang naapektuhan lamang ay ang ating desktop interface. Hindi bumubukas ang mga static pages at mga label searches.

Dahil dito, humihingi po kami ng paumanhin sa mga inconvenience na idudulot nito sa inyong pagbabasa. Nais namin itong tingnan bilang blessing at sa mga susunod na araw, susubukan naming i-improve pa ang ating catholic blog.

Kung mayroon po kayong mga suhestiyon, mangyari lamang pong i-pm ang ating facebook page.

Maraming salamat po.

Sa Isa Pang Sulyap App
03 Abril 2014

Gusto mo bang mabasa ang Daily Gospel? O advance na mabasa Sunday Mass Readings? O pagnilayan ang ating Gospel? O panoorin ang Sunday Sambuhay TV Mass? 

Magagawa mo na ito gamit ang iyong android phone o tablet. I-download lang at i-install ang Sa Isa Pang Sulyap app. Kailangan mo lang ng internet connection at kahit na nasaan ka pa, madali mo nang makikita ang mga post sa ating blog.

Ang Android app na ito ay nilikha gamit ang Appgeyser.

I-click dito para i-download ang Sa Isa Pang Sulyap Android App.

I-click dito para sa instructions sa kung paano i-install ang Sa Isa Pang Sulyap Android App.

Gospel Reflections are back!
15 Enero 2014

Matapos ang ilang linggong hiatus ng may-akda sa pagsulat ng Sunday Gospel Reflection, muli itong mababasa sa mga post ng Sa Isa Pang Sulyap...

Ginugol ng may-akda ang ilang linggong nagdaan upang pagnilayan ang direksyong tatahakin ng blog na ito sa mga darating na panahon.

Nitong nagdaang mga linggo, mapapansin ang ilang mga pagbabago katulad ng announcement page na ito at ng direktang pagpo-post ng Daily Gospels sa ating Facebook page.

Buhat ngayong linggo, tatlong post kada linggo ang aasahan ng mga mambabasa sa blog na ito; Sunday Mass Readings, Gospel Reflection at Mga Gospel sa isang linggo (na ipono-post din kada araw sa FB).

Basahin dito ang Gospel Reflection para sa Kapistahan ng Sto. NiƱo (19 Enero 2014)

God bless us all! Sana po'y patuloy ninyong suportahan ang Sa Isa Pang Sulyap...


Ads, Ads, Ads
09 Enero 2014

I-click at suportahan ang ating mga advertisements!

Nitong nakaraang mga buwan, sinusubukan ng Sa Isa Pang Sulyap... na maglagay ng mga advertisements. Hinangad ng may-akda na maglikom ng pondo para sa posibleng mga proyektong naglalyong makatulong sa mga pamayanan at mga parokya, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Dahil dito'y hinihimok po namin kayong suportahan ang ating mga advertisements.

God bless us all! Blessed day po!

Basahin ang Daily Gospels sa FB
06 Enero 2014

Basahin ang Sa Isa Pang Sulyap Daily Gospels sa ating Facebook page. Simula sa araw na ito, hindi mo na kailangang lumabas ng Facebook para magbasa ng Salita ng Diyos. 

Ginawa ito para maging mas madaling basahin ang ating Daily Gospel gamit ang inyong FB application, Free Facebook o Promo Facebook sa inyong mobile phones. Marami kasi sa atin ngayon ay mobile phones na ang gamit sa pagi-internet.

Kaya, ano pa ang hinihintay ninyo? I-like ang ating FB Page para mabasa ang Gospel sa araw na ito sa inyong newsfeed. Puwede ring regular na dalawin ang FB Page gamit ang link na ito :

God bless us all! Blessed day po!

Mga kasulyap-sulyap ngayon: