Ikalimang Linggo Ng Kuwaresma
26 Marso 2023
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 06 Abril 2014.)
"Ginagawa namin ang lahat ng ito para sa iyo."
Madalas nating marinig sa mga magulang natin ang mga salitang ito. Hindi natin ito masyadong maintindihan pero ito naman ang totoo. Gagawin ng isang magulang ang lahat para sa kanyang mga anak.
Madaling maka-relate dito ang mga magulang na nagtatrabaho sa abroad para maitaguyod ang magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Halos ganito rin ang mga Salitang mababasa natin sa Ebanghelyo natin ngayong linggo. Habang nananalangin si Hesus, narinig ng mga taong naroon sinabi niya "Ngunit sinasabi ko ito dahil sa mga taong naririto, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin." (Juan 11:42)
Nasa kamay ni Hesus ang lahat ng pagkakataon para pagalingin ang maysakit na si Lazaro. Hindi Niya piniling pumunta agad sa kinaroroonan nito. Hinintay muna Niyang mamatay ito upang muling buhayin.
Tumangis Siya. Nagpahayag Siya ng mga katotohanan sa Kanyang mga apostol at sa magkapatid na sina Marta at Maria. Nakita ito ng maraming tao. Nangyari ang lahat ng ito upang ganap na manalig sa Kanya ang mga alagad Niya at ang mga nakasaksi.
Sa totoo lang, kung pagninilayan nating maigi, ang lahat tungkol sa buhay ni Hesus ay para sa ating kaligtasan.
Isinilang Siya. Naging paslit. Lumaki. Naglingkod at nakisalamuha. Nagpagaling. Nagpakain ng marami. Bumuhay ng patay. Ipinagkanulo sa mga Hudyo. Nilitis at nahatulang mamatay. Pinasan ang krus ng kasalanan. Ipinako at namatay sa krus. Inilibing. Nabuhay matapos ang tatlong araw. Nagpakita sa Kanyang mga apostol. Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan ng Diyos Ama. Muli Siyang babalik upang hukuman ang mga nabubuhay at namatay na tao.
Naganap ang lahat ng ito at ang marami pang mga pangyayari sa kasaysayan ng mga hudyo at ng ating simbahan upang magkaroon tayo ng pagkakataong makapiling ang Diyos.
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16)
Si Hesus ang buhay at muling pagkabuhay. Katulad ni Lazaro, hindi Niya pinababayaan ang mga umiibig sa Kanya at ang mga taong lumalapit sa Kanya taglay ang taos na pagsisisi.
Sa pagpapatuloy natin sa ating pagninilay ngayong panahon ng Kuwaresma, magawa sana nating lalo pang i-focus ang ating mga sarili kay Hesus. Tandaan nating ginawa Niya ang lahat para sa atin.
"Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama." (Juan 15:13-15)
Itinuring Niya tayong kaibigan. Namatay at nabuhay na muli. Ginawa Niya ang lahat ng ito para sa akin at para sa iyo.
(Sa mga panahong ito ng krisis-medikal dulot ng sakit na kung tawagin ay COVID-19, ipinamumukha sa atin kung gaano kaiksi ang ating buhay. Kung gaano kawalang-halaga ang lahat ng mga materyal na bagay na ating pinaghihirapang tamasain. Kung mamamatay ka ngayon, nakasisiguro ka bang kakamtin mo ang buhay na walang hanggan kasama si Hesus at mga banal?
Hingin natin sa Linggong ito ang awa ng Diyos na patuloy na nagliligtas at nagmamahal sa atin sa kabila ng ating mga pagkukulang.)

Panalangin:
O aming Amang nagsugo kay Hesus upang kami'y iligtas mula sa libingan ng kasalanan, palagi Ka po naming pinararangalan at sinasamba sa Pangalan ni Hesus na aming Panginoon.
Isinisigaw namin sa buong mundong si Hesus ang aming buhay at ang aming muling pagkabuhay. Sa Kanya kami laging umaasa. Ang pagtulad sa kanya'y lagi naming pinagsisikapan.
Turuan Mo po kaming laging sundin ang Iyong kalooban. Magawa po sana naming laging talikuran ang kasalanan at ang luma naming buhay na malayo sa Iyo.
O aming ama, buhayin mo po kami.
Ang lahat ng ito sa ngalan ni Hesus na bumuhay kay Lazaro upang magawang manalig ng mga tulad naming nagsusumikap sumunod sa Kanya, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.