Ika-15 Linggo Sa Karaniwang Panahon
16 Hulyo 2023
(Ang post na ito'y orihinal na inilathala bilang Gospel Reflection noong 13 Hulyo 2014.)
Sa tinagal-tagal ko sa aming parokya at sa aming charismatic community, naging saksi ako sa kung paano dumating, nag-stay at nawala sa simbahan ang maraming taong nakasama ko sa iba't-ibang mga activities.
Iba't-iba ang kanilang mga motivations sa pagsali at sa pag-stay sa organisasyon. Nariyan 'yung mga taong nasa simbahan dahil walang magawa sa mga buhay nila. Nariyan 'yung iba na nahila ng barkada. 'Yung iba nama'y broken-hearted at gustong makakita ng special someone. 'Yung iba'y gusto lang maka-feel ng sense of belongingness. Tumatakas naman sa problema ang iba. At mayro'n namang talagang gustong mag-serve.
At iba-iba rin ang mga dahilan nila kung bakit sila umalis sa simbahan. Nariyan 'yung sumama ang loob dahil napagsabihan. Mayro'n namang ibang may nakaaway o nabasted ng nililigawan. 'Yung iba nama'y naging busy na sa trabaho o sa kanilang studies. May iba namang nag-asawa na.
Anu't-anuman ang kanilang mga dahilan, nagkaroon sila ng pagkakataong makinig at maranasan ang Salita ng Diyos. Hinipo sila ng mga kamay ng Diyos upang tumungo sa mga gawaing-pansimbahan.
Subalit hindi ito nangangahulugang hindi na sila maaring maglingkod dahil wala na sila sa simbahan. Maraming ibang paraan para makapaglingkod. Katunayan, isinilang ang blog na ito sa panahong wala ako sa simbahan.

Araw-araw sa ating mga buhay ay hinihipo tayo ng Diyos. Ipinapahayag Niya sa atin ang Kanyang Mabuting Balita sa iba't-ibang paraan. Minsan, sa anyo ng isang simpleng facebook post o sa isang t-shirt print o sa message o text ng isang kaibigan. Tayong lahat ay niyayakap ng pagmamahal ni Hesus. Laging pinaaalalahanan ng Kanyang mga Salita.
Sa talinghaga ng manghahasik na Ebanghelyo natin sa Linggong ito, ang Salita ng Diyos ay inihalintulad sa mga butong inihasik sa iba't-ibang klase ng lupang inihalintulad ni Hesus sa mga tao. Iisa ang Salita ng Diyos na ating tinatanggap. Iba-iba nga lang ang ating pagtanggap.
May mga tumatanggap subalit hindi inuunawa kaya hindi nag-uugat sa puso at agad na inaagaw ng kaaway ang Salita ng Diyos. Mayroon namang buong kasiyahang tinanggap ang Mabuting Balita subalit agad na nagbago ang isip nang dumating na ang mga pagsubok at problema. Ang iba nama'y nag-ugat sa puso ang pagtanggap subalit nabalisa sa alalahanin ng mundo at ng kayamanan.
At sa huli, hinihimok tayo ni Hesus na maging mabuting lupa na tumatanggap sa Kanyang mga Salita. Hinihimok Niyang ipahayag natin ang mensahe ng kaligtasan sa pang-araw-araw nating mga buhay. Makita sana sa mga buhay natin ang kaluwalhatian ng Diyos. Saanman tayo naroroon. Sa simbahan man o sa tahanan o sa trabaho o sa ekuwelahan.
Ikaw, paano mo tinatanggap ang Kanyang Salita?
Panalangin:
O aming Ama, Ikaw na palaging bumubusog sa aming kaluluwa sa pamamagitan ng Buhay na Salitang nagmumula sa Iyo, papuri at pagluwalhati ang kaloob namin sa Iyo. Ang puso naming naging suwail ay ibinabalik namin sa Iyo.
Panginoon, turuan Mo po kaming maging matabang lupa sa aming pagtanggap sa Iyong Salita. Turuan Mo po kaming isapuso, isaisip at isabuhay ang Iyong kalooban. Hindi man po namin ganap na nauunawaan ang maraming pangyayari sa aming buhay, tulungan po sana kami ng Espiritu Santo na mabuhay ayon sa halimbawa ng Iyong Bugtong na Anak.
Ama, gawin Mo po kaming mga lingkod Mong tapat. Matatag sa gitna ng pagsubok dahil kumakapit kami sa Iyo. Ang aming buong buhay ay ipinagkakatiwala po namin sa Iyong mga kamay, sa Iyong nagmahal sa amin buhat pa noong una.
Ang lahat ng ito sa matamis na Pangalan ng Iyong Anak na si Hesus, kasama Mo at ng Espiritu Santo. Amen.