21 - 27 Setyembre 2014

Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


“Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag.” (Lucas 8:16)

21-Linggo 22-Lunes 23-Martes 24-Miyerkules 25-Huwebes 26-Biyernes 27-Sabado

_________________________________________
21 Setyembre 2014
Ika-25 Linggo Sa Karaniwang Panahon
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa. (Unang Pagbasa: Isaias 55:6-9; Salmo: Awit 145:2-3. 8-9. 17-18; Ikalawang Pagbasa: Filipos 1:20-24. 27; Mabuting Balita: Mateo 20:1-16)
I-click po dito para sa Gospel Reflection.

"Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.” (Mateo 20:16)

_________________________________________

22 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Kawikaan 3:27-34; Salmo: Awit 15:2-5
Mabuting Balita: Lucas 8:16-18

16 Walang nagsisindi ng ilawan at tinatakpan ito ng palayok o inilalagay sa ilalim ng higaan. Ipinapatong ito sa patungan para makita ng mga pumapasok ang liwanag. 17 Walang nalilihim na di mabubunyag ni natatakpan na di mahahayag at malalantad. 18 Kayat isip-isipin ninyo ang inyong naririnig dahil bibigyan pa nga ang mayroon at ang walang-wala naman, kahit na ang akala niyang kanya, ay aagawin sa kanya.”

23 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Kawikaan 21:1-13; Salmo: Awit 119:1-44
Mabuting Balita: Lucas 8:19-21

19 Pinuntahan naman siya ng kanyang ina at mga kapatid pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 May nagsabi sa kanya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita.” 21 Sumagot siya at sinabi sa kanila: “Ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at nagsasagawa nito, sila ang aking ina at aking mga kapatid.”

24 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Kawikaan 30:5-9; Salmo: Awit 119:29-163
Mabuting Balita: Lucas 9:1-6

1 Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. 2 Sinugo niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas.

3 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon ng tigalwang bihisan. 4 Sa alinmang bahay kayo nakituloy, doon kayo tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. 5 Kung may hindi tatanggap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.”

6 Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.

25 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Mangangaral 1:2-11; Salmo: Awit 90:3-17
Mabuting Balita: Lucas 9:7-9

7 Nabalitaan naman ng tetrarkang si Herodes ang lahat ng pangyayaring ito at litung-lito siya dahil may nagsasabing nabuhay mula sa mga patay si Juan. 8 Sinabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ng iba pa na isa sa mga propeta noon ang bumangon. 9 At sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko si Juan; sino nga kaya itong nababalitaan kong gumagawa ng mga iyon?” Kaya sinikap niyang makita siya.

26 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Mangangaral 3:1-11; Salmo: Awit 144:1-4
Mabuting Balita: Lucas 9:18-22

18 Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista raw; may iba namang nagsasabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.”
20 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman.

22 Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

27 Setyembre 2014
Unang Pagbasa: Mangangaral 11:9-12:8; Salmo: Awit 90:3-17
Mabuting Balita: Lucas 9:43-45

43 Lubos na namangha ang lahat dahil sa kadakilaan ng Diyos.

Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 44 “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” 45 Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.

21-Linggo 22-Lunes 23-Martes 24-Miyerkules 25-Huwebes 26-Biyernes 27-Sabado

Mga kasulyap-sulyap ngayon: