"Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan..." (Lucas 1:76)
Unang Pagbasa: 2 Samuel 7:1-5.8-12.14.16
Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang bahay. Sa tulong ng Panginoon, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. Tinawag niya si Natan at sinabi, “Nakikita mong nakatira ako sa tahanang sedro, ngunit ang Kaban ng Tipan ay sa tolda lamang.” Sumagot si Natan, “Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat ang Panginoon ay sumasaiyo.”
Ngunit nang gabing iyo’y sinabi n Panginoon kay Natan, “Ganito ang sabihin mo kay David: ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? Inalis kita sa pagpapastol ng tupa upang gawing pinuno ng bayang Israel. Kasama mo ako saanmang dako at lahat mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad ng mga dakilang tago sa daigdig. Bibigyan ko ang Israel ng kanyang lupa at doon ko patitirahin. Wala nang gagambala sa kanila roon; wala nang aalipin sa kanila tulad noong una, buhat nang maglagay ako ng hukom nila. Magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo. Bukod dito, akong Panginoon ay nagsasabi sa iyo: Patatatagin ko ang iyong sambahayan. Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian.
Kikilanlin ko siyang anak at ako nama’y magiging ama niya. Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.’”
Salmo: Awit 89:2-3. 4-5. 27. 29
Tugon: Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin!
Pag-ibig mo, Poon, na di nagmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;
ang katapatan mo’y laging sasambitin.
Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ’yong katapatan.
Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan
na iyong ginawa kay David mong hirang
at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,
ang kaharian mo ay mamamalagi.”
Gagawin ko siyang anak na panganay,
mataas na hari nitong daigdigan!
Laging maghahari ang isa n’yang angkan,
sintatag ng langit yaong kaharian.
Mabuting Balita: Lucas 1:67-79
Noong panahong iyon, napuspos
ng Espiritu Santo si Zacarias
na ama ni Juan at nagpahayag ng
ganito:
“Purihin ang Panginoong
Diyos ng Israel!
Sapagkat nilingap
niya at pinalaya ang kanyang
bayan,
at nagpadala siya sa atin
ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
mula sa lipi ni David
na kanyang lingkod.
Ipinangako
niya sa pamamagitan ng kanyang
mga banal na propeta noong una,
na ililigtas niya tayo sa ating mga
kaaway,
at sa kamay ng lahat ng
napopoot sa atin.
Ipinangako rin
niya na kahahabagan ang ating
mga magulang
at aalalahanin ang kanyang mga banal na tipan.
Iyan
ang sumpang binitiwan niya sa ating
amang si Abraham,
na ililigtas tayo
sa ating mga kaaway,
upang walang
takot na makasamba sa kanya, at
maging banal
at matuwid sa kanyang
paningin, habang tayo’y nabubuhay.
Ikaw naman, anak, ay tatawaging
propeta ng Kataas-taasan;
sapagkat
mauuna ka sa Panginoon
upang
ihanda ang kanyang mga daraanan,
at ituro sa kanyang bayan ang landas
ng kaligtasan,
ang kapatawaran ng
kanilang mga kasalanan.
Sapagkat
lubhang mahabagin ang ating Diyos;
magbubukang-liwayway sa atin ang
araw ng kaligtasan
upang magbigayliwanag
sa mga nasa kadiliman at nasa
lilim ng kamatayan,
at patnubayan
tayo tungo sa daan ng kapayapaan.”