Noong mga araw na iyon, tinipon
ni Josue sa Siquem ang lahat ng
lipi. Pagkatapos, tinawag niya ang
matatanda, ang mga hukom, ang
mga pinuno at mga tagapangasiwa sa
Israel, at sila’y humarap sa Panginoon.
Sinabi niya: “Kung ayaw ninyong
maglingkod sa Panginoon, sabihin
ninyo kung kanino kayo maglilingkod:
sa diyus-diyusang sinamba ng inyong
mga ninuno sa Mesopotamia, o sa
mga diyus-diyusan ng mga Amorreo,
na sinasamba dito sa lupaing inyong
tinatahanan. Ngunit ako at ang aking
angkan ay sa Panginoon lamang
maglilingkod.”
Sumagot ang bayan: “Wala
kaming balak na talikuran ang
Panginoon at maglingkod sa mga
diyus-diyusan. Ang Panginoon, na
ating Diyos, ang siyang humango
sa atin sa pagkaalipin sa Egipto.
Nasaksihan din namin ang mga
kababalaghang ginawa niya upang
tayo’y maingatan saanman tayo mapadako
at mailigtas sa mga kaaway
na ating nadaanan. Kaya’t kami rin
ay sa Panginoon maglilingkod. Siya
ang ating Diyos.”
Salmo: Awit 34:2-3. 16-17. 18-19. 20-21. 22-23
Tugon: Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin!
Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!
Kinukupkop ng Diyos ang mga
matuwid
at ang taghoy nila’y kanyang
dinirinig.
Nililipol niya yaong
masasama
hanggang sa mapawi
sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid,
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo,
ang
walang pag-asa’y hindi binibigo.
Ang taong matuwid, masuliranin
man,
sa tulong ng Poon, agad
maiibsan.
Kukupkupin siya nang
lubus-lubusan,
kahit isang buto’y
hindi magagalaw.
Ngunit ang masama, ay kasamaan
din,
sa taglay na buhay ang
siyang kikitil.
Mga lingkod niya’y
kanyang ililigtas,
sa napakukupkop,
siyang mag-iingat!
Ikalawang Pagbasa: Efeso 5:21- 32
Mga kapatid, pasakop kayo sa
isa’t isa tanda ng inyong paggalang
kay Kristo. Mga babae, pasakop kayo
sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop
ninyo sa Panginoon. Sapagkat
ang lalaki ang ulo ng kanyang
asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng Simbahan, na kanyang katawan,
at siyang Tagapagligtas nito. Kung
paanong nasasakop ni Kristo ang
Simbahan, gayon din naman, ang
mga babae’y dapat pasakop nang
lubusan sa kani-kanilang asawa.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyuinyong
asawa, gaya ng pag-ibig ni
Kristo sa Simbahan. Inihandog niya
ang kanyang buhay para rito, upang
ang Simbaha’y italaga ng Diyos
matapos linisin sa pamamagitan
ng tubig at ng salita. Ginawa niya
ito upang maiharap sa kanyang
sarili ang Simbahan, marilag, banal,
walang batik at walang anumang
dungis o kulubot. Dapat mahalin ng
mga lalaki ang kani-kanilang asawa
tulad ng sarili nilang katawan. Ang
lalaking nagmamahal sa kanyang
asawa ay nagmamahal sa kanyang
sarili. Walang taong namumuhi sa
sarili niyang katawan, bagkus ito’y
pinakakain at inaalagaan, gaya ng
ginagawa ni Kristo sa Simbahan.
Tayo’y mga bahagi ng kanyang
katawan.
“Dahil dito, iiwan ng lalaki ang
kanyang ama’t ina at magsasama
sila ng kanyang asawa; at sila’y
magiging isa.” Isang dakilang katotohanan
ang inihahayag nito – ang
kaugnayan ni Kristo sa Simbahan
ang tinutukoy ko.
Mabuting Balita: Juan 6:60-69
Noong panahong iyon, marami
sa mga alagad ni Hesus ang nagsabi,
“Mabigat na pananalita ito; sino ang
makatatanggap nito?”
Alam ni Hesus na nagbubulungbulungan
ang kanyang mga alagad
tungkol dito, kaya’t sinabi niya,
“Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo
ako? Gaano pa kaya kung makita
ninyong umaakyat ang Anak ng
Tao sa dati niyang kinaroroonan?
Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay;
hindi ito magagawa ng laman. Ang
mga salitang sinabi ko sa inyo ay
Espiritu at buhay. Ngunit may ilan
sa inyong hindi nananalig sa akin.”
Sapagkat talastas ni Hesus buhat
pa noong una kung sinu-sino ang
hindi nananalig sa kanya, at kung
sino ang magkakanulo sa kanya.
Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan
kaya ko sinabi sa inyo na walang
makalalapit sa akin malibang loobin
ito ng Ama.”
Mula noo’y marami sa kanyang
mga alagad ang tumalikod at hindi na
sumama sa kanya. Kaya’t tinanong
ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din
ba ninyong umalis?” Sumagot si
Simon Pedro, “Panginoon, kanino
po kami pupunta? Nasa inyo ang
mga salitang nagbibigay ng buhay
na walang hanggan. Naniniwala
kami at ngayo’y natitiyak naming
kayo ang Banal ng Diyos.”