29 Oktubre - 04 Nobyembre 2017

 Daily Gospel Sa Isang Buong Linggo


Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” (Lucas 13:16)

29 Okt
30 Okt
31 Okt
01 Nob
02 Nob
03 Nob
04 Nob


29 Oktubre 2017
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

(I-click ang larawan)

“Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.” (Mateo 22:40)


30 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 8:12-17; Salmo: Awit 68:2-21;
Mabuting Balita: Lucas 13:10-17

10 Nagtuturo siya sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, 11 at may isang babae roon. Labingwalong taon na siyang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakakandakuba na siya at di makatingala. 12 Pagkakita sa kanya ni Jesus, tinawag siya nito at sinabi: “Babae, lumaya ka sa iyong sakit.” 13 Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang tuwid ang babae at nagpuri sa Diyos.

14 Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!”

15 Sinagot siya ng Panginoon: “Mga mapagkunwari, hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? 16 At isang babae naman ang narito na anak ni Abraham na labingwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?”

17 Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Jesus.


31 Oktubre 2017
Pagbasa: Roma 8:18-25; Salmo: Awit 126:1-6;
Mabuting Balita: Lucas 13:18-21

18 Sinabi pa ni Jesus: “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? 19 Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng langit.”

20 At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang kaharian ng Diyos? 21 Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”


Araw ng mga Santo
01 Nobyembre 2017
Unang Pagbasa: Pahayag 7:2-14; Salmo: Awit 24:1-6 1; Ikalawang Pagbasa: Juan 3:1-3;
Mabuting Balita: Mateo 5:1-12

1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:

3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit.
4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.
6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila.
7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. 
10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.


Araw ng mga Kaluluwa
02 Nobyembre 2017
Unang Pagbasa: Karunungan 3:1-61; Salmo: Awit 27:1-14; Ikalawang Pagbasa: Roma 6:3-9;
Mabuting Balita: Mateo 25:31-46

31 Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ng lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. 32 Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwa-hiwalayin ang mga tao. 33 Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa.

34 Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: ‘Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig. 35 Sapagkat nagutom ako at inyong pinakain, nauhaw ako at inyong pinainom. 36 Naging dayuhan ako at pinatuloy ninyo ako. Nang ako’y hubad, dinamitan ninyo ako; nang maysakit ako, binisita ninyo ako. Nang ako’y nasa bilangguan, dinalaw ninyo ako.’

37 At itatanong sa kanya ng mabubuti: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain, nauuhaw at pinainom, 38 isang dayuhan at pinatuloy, at walang suot at dinamitan? 39 Kailan ka namin nakitang maysakit o nasa bilangguan at nilapitan?’ 40 Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito na mga kapatid ko, sa akin ninyo ginawa.’

41 Pagkatapos ay sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa niya: ‘Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko tungo sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito! 42 Sapagkat nagutom ako at di ninyo binigyan ng makakain, nauhaw at di ninyo pinainom, 43 naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita.’ 

44 Kaya itatanong din nila: ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, nauuhaw, dayuhan, hubad, maysakit o nakabilanggo, at di ka namin pinaglingkuran?’ 45 Sasagutin sila ng Hari: ‘Talagang sinasabi ko sa inyo: anuman ang di ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa sa akin.’

46 At pupunta ang mga ito sa walang hanggang parusa, ngunit sa walang hanggang buhay naman ang mga makatarungan.”


San Martin de Porres
03 Nobyembre 2017
Pagbasa: Roma 9:1-5; Salmo: Awit 147:12-20;
Mabuting Balita: Lucas 14:1-6

1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya. 2 Nasa harap niya roon ang isang taong minamanas 3 kaya nagtanong si Jesus sa mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling sa Araw ng Pahinga o hindi?” 4 Hindi sila umimik kaya hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.

5  Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang anak o ang baka ng isa sa inyo, di ba’t agad niya itong iniaahon kahit na Araw ng Pahinga?” 6 At hindi nila siya nasagot.


San Carlos Borromeo
04 Nobyembre 2017
Pagbasa: Roma 11:1-29; Salmo: Awit 94:12-18;
Mabuting Balita: Lucas 14:1. 7-11

1 Isang Araw ng Pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya. 

7 May talinhaga siyang sinabi nang mapuna niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: 8 “Kung anyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may kinumbidang mas importante kaysa iyo, 9 at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘Ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.’ Kaya mapapahiya ka’t pupunta sa huling puwesto.

10 Sa halip, kung anyayahan ka, sa huling puwesto ka pumunta sapagkat pag dating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lumapit ka pa.’ Kaya mapararangalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. 11 Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.”

29 Okt
30 Okt
31 Okt
01 Nob
02 Nob
03 Nob
04 Nob

Mga kasulyap-sulyap ngayon: