Ikapitong Simbang Gabi - 22 Disyembre 2017



“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.” (Lucas 1:46-47)

Unang Pagbasa: 1 Samuel 1:24-28

Noong mga araw na iyon, nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa Templo sa Silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, tatlumpu’t anim na litrong harina at isang pitsel na alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan ninyo, ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na ako’y pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay niya sa akin. Kaya naman po, inihahandog ko siya sa Panginoon upang maglingkod sa kanya habang-buhay.” Pagkatapos nito, nagpuri sila sa Panginoon.

Salmo: 1 Samuel 2 

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, 
            pinupuri kitang wagas!

Pinupuri ko kayo, Poon, dahil sa kaloob ninyo sa akin. 
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway, 
sapagka’t iniligtas ninyo ako sa kadustaan. 

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan, 
at pinalalakas ninyo ang mahihina. 
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapaupa para mabuhay. 
Masagana ngayon ang dating maralita. 
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak, 
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak. 

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang 
magbigay o bumawi ng buhay. 
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin. 
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin, maaari ring ibaba o itaas. 

Mapadadakila ninyo kahit ang pinakaaba, 
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. 
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika, 
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.  

Mabuting Balita: Lucas 1:46-56

Noong panahong iyon, ipinahayag ni Maria ang awit na ito: “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan Banal ang kanyang pangalan! Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!” 

Nanatili si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: