Gospel Reflection
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
27 Enero 2019
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
27 Enero 2019
I-click po dito para sa Ebanghelyo at mga Pagbasa.
"Walang Forever!"
Lagi nating naririnig ang linyang ito sa mga millenial. Lalo na sa mga bitter-- sa mga pinaasa, sinaktan at iniwanan.
Sumasalamin ang linyang ito sa pananaw ng mga tao ngayon. Kung ano at paano natin tingnan ang ating mga relasyon sa ating pamilya, komunidad at social media. Kung paanong marami sa atin ang naghahanap ng pagmamahal o belongingness.
[ Marami sa atin ang nabubuhay sa kadiliman at kawalan ng pag-asa. Katunayan, patuloy na tumataas ang mga kaso ng suicide sa buong mundo. Umaabot na ito sa kulang 800, 000 kada taon o isang tao ang nagtatagumpay kitlin ang sariling buhay sa bawat 40 segundo. Ang bilang na ito ay ang mga namatay lamang. Ayon sa WHO, sa bawat isang nagtatagumpay na mamatay, may higit na 20 pa ang naga-attempt ding magpakamatay. (source: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/suicide) ]
Nakalulungkot ang mga numerong ito. Pinapaalaala sa atin nito ang sinabi ni Mother Teresa, "Being unwanted, unloved, uncared for, forgotten by everybody, I think that is a much greater hunger, a much greater poverty than the person who has nothing to eat."
Lahat tayo'y patuloy na naghahanap ng direksyon, kahulugan at pag-ibig sa ating buhay. Lahat tayo'y naghahanap ng forever. Ang mali lang ng marami sa atin, hinahanap natin ang forever sa mga taong nasa paligid natin. Sa mga taong pansamantala lamang.
Sapagkat ganito naman talaga magmahal ang tao. May kondisyon. Pansamantala. Limitado. Walang forever.
Sa kabilang banda, nagkatawang-tao si Hesus, upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo siya upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakikita; upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.
Tunay ngang kay Hesus lamang natin masusumpungan ang kapayapaan. Ang kahulugan. Ang direksyon. Ang tunay na pag-ibig.
Sapagkat ganito magmahal ang Diyos. Walang kondisyon. Walang limitasyon. Hindi pansamantala. Forever.
Kaya kung naghahanap ka ng forever. Kay Hesus mo matatagpuan ang iyong True Love. Siya ang iyong Forever.
Panalangin:
O aming Amang pinanggagalingan ng lahat ng biyaya sa aming buhay, sambahin Ka at purihin sa Iyong kabutihang walang-hanggan.
Mula sa Nazaret, Galilea, tinupad ni Hesus ang lahat ng Iyong ipinangako sa Matandang Tipan.
Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim. (Isaias 9:2)
Panginoon, gawin mo pong katuparan din ng Iyong mga Salita ang aming mga buhay. Gamitin Mo pong Instrumento ng Iyong pagmamahal ang bawat oras namin sa aming mga tahanan, mga trabaho, mga eskuwelahan at sa lahat ng aming mga gawain. Sa pamamagitan nawa ng Iyong kabutihan, masalamin sa amin ang isang tunay na Kristiyanong sumusunod sa mga halimbawa ni Hesus.
Iniingatan po Ninyong lagi ang aming pamilyang sa Iyo'y nagmamahal. Ilayo mo po kami sa lahat ng kapahamakan at karamdaman.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya, ang araw na ito at ang susunod na mga araw sa aming buhay ay ihinahandog namin sa Iyo, Ama, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan. Amen.