Sinabi nila: “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” (Mateo 14:17)
|
|
|
|
|
|
|
04 Agosto 2019
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
(I-click ang larawan)
“Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.” (Lucas 12:15)
Pagbasa: Bilang 11:4-15; Salmo: Awit 81:12-17;
Mabuting Balita: Mateo 14:13-21
13 Nang marinig ito ni Jesus, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang mga bayan. 14 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang mga maysakit.
15 Nang hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.”
16 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” 17 Sinabi nila: “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” 18 Sinabi niya: “Akin na.”
19 At iniutos niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. 20 At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket. 21 Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.
Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesus |
Pagbasa: Daniel 7:9-14; Salmo: Awit 97:1-9 2 Pt 1:16-19;
Mabuting Balita: Lucas 9:28-36
28 Mga walong araw pagkasabi ni Jesus ng mga salitang ito, isinama niya sina Pedro, Juan at Jaime at umahon sa bundok para manalangin. 29 At habang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at puting-puting nagningning ang kanyang damit. 30 May dalawang lalaki ring nakikipag-usap sa kanya, sina Moises at Elias.
31 Napakita sila sa kaluwalhatian at pinag-uusapan nila ang paglisan ni Jesus na malapit nang maganap sa Jerusalem. 32 Antok na antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama pero pagkagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya.
33 Nang papalayo na ang mga iyon kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kanya: “Guro, mabuti at narito tayo; gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Hindi niya alam ang kanyang sinasabi. 34 Nagsasalita pa siya nang may ulap na lumilim sa kanila; at natakot sila pagpasok nila sa ulap. 35 At narinig mula sa ulap ang salitang ito: “Ito ang aking Anak, ang Hinirang; pakinggan ninyo siya.”
36 Pagkasalita ng tinig, nag-iisang nakita si Jesus. Nang mga araw na iyon, sinarili nila ito at walang sinabi kaninuman tungkol sa nakita nila.
San Sixto II at San Cayetano |
Pagbasa: Bilang 13:1–14:35; Salmo: Awit 106:6-23;
Mabuting Balita: Mateo 15:21-28
21 Pagkaalis sa lugar na iyon, pumunta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. 22 May isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David, maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” 23 Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa likod natin.”
24 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.”
25 Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” 26 Sumagot si Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” 27 Sumagot ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” 28 Kaya nagsalita sa kanya si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.
Sto. Domingo de Guzman |
Pagbasa: Bilang 20:1-13; Salmo: Awit 95:1-9;
Mabuting Balita: Mateo 16:13-23
13 Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” 14 Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”
15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” 16 At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” 17 Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.
18 At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”
20 At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas.
21 Mula sa araw na iyon, ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.
22 Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon! Hindi ito puwede.” 23 Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”
Pagbasa: Deuteronomio 4:32-40; Salmo: Awit 77:12-21;
Mabuting Balita: Mateo 16:24-28
24 At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. 25 Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito ngunit ang naghahangad na mawalan ng sarili alang-alang sa akin ang makakatagpo nito. 26 Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Ano ang maibibigay niya para mabawi ito?
27 Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. 28 Totoong sinasabi ko sa inyo na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila mamatay.”
San Lorenzo |
Pagbasa: 2 Corinto 9:6-10; Salmo: Awit 112:1-9;
Mabuting Balita: Juan 12:42-46
24 Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, namamalaging nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi ito namamatay pagkahulog sa lupa. Ngunit kung mamatay ito, nagdudulot ito ng maraming bunga.
25 Nagpapahamak ng kanyang sarili ang umiibig dito ngunit iingatan naman ito para sa buhay magpakailanman ng napopoot sa kanyang sarili sa mundong ito.
26 Patuloy akong sundan ng naglilingkod sa akin at kung nasaan ako, naroon din ang aking lingkod. Kung may naglilingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
|
|
|
|
|
|
|