Panginoon, sa iyong paningin,
ang buong daigdig ay para lamang
isang butil na buhangin na di halos
makatikwas ng timbangan; para
lamang isang patak ng hamog sa
umaga sa pisngi ng lupa.
Labis-labis ang kapangyarihan
mo para gawin ang anuman, ngunit
mahabagin ka sa bawat kinapal; pinagpapaumanhinan
mo ang aming
mga pagkukulang, at binibigyan mo
kami ng panahong makapagsisi.
Mahal mo ang lahat ng bagay, at
wala kang hinahamak sa iyong mga
nilalang. Kung hindi gayon, ay bakit
mo pa sila nilikha? Walang anumang
bagay na mananatili kung hindi mo
kalooban, at walang makapagpapatuloy
kung hindi mo nilalang.
Ipinahintulot mong manatili ang
bawat nilikha sapagkat bawat isa
ay sa iyo. Ang lahat ng nabubuhay
ay mahal mo, Panginoon.
Ang diwa mong walang kamatayan
ay nasa kanilang lahat, kaya
unti-unti mong itinutuwid ang mga
nagkakasala. Ipinaaalaala at binababalaan
mo sila sa kanilang mga
ginawa, upang iwanan na nila ang
kanilang masamang pamumuhay
at sa iyo sila manalig, Panginoon.
Salmo: Awit 144
Tugon: Diyos ko at aking Hari,
pupurihin
kitang lagi!
Ang kadakilaan ng Diyos ko
at Hari, aking ihahayag,
di ko
titigilan magpakailanman ang
magpasalamat,
aking pupurihi’t
pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Ang Panginoong D’yos ay puspos
ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y
hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at
kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa
kanyang nilikha, ang pagtingin niya
ay mamamalagi.
Magpupuring lahat sa iyo, O
Poon, ang iyong nilalang;
lahat
mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang
tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t
makapangyarihan.
Di ka bibiguin sa mga pangako
pagkat ang Diyos ay tapat,
ang
kanyang ginawa kahit ano ito ay
mabuting lahat.
Siya’y tumutulong sa
lahat ng tao na may suliranin;
yaong
inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.
Ikalawang Pagbasa: 2 Tesalonica 1:11-2:2
Mga kapatid: Lagi namin kayong
isinasama sa aming mga dalangin
sa Diyos na nawa’y maging
karapat-dapat kayo sa pagkatawag
niya sa inyo. At ipagkaloob nawa
niya sa inyo sa pamamagitan ng
kanyang kapangyarihan ang lahat
ng mabuti ninyong hangarin at
lubusin ang inyong mga gawang
bunga ng pananampalataya. Kung
magkagayon, mabibigyan ninyo ng
karangalan ang pangalan ng ating
Panginoong Hesus, at kayo naman
ay bibigyan din ng karangalan ayon
sa kagandahang-loob ng Diyos at
ng Panginoong Hesukristo.
Tungkol naman sa pagparito ng
ating Panginoong Hesukristo at sa
pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik
namin sa inyo, mga kapatid, na
huwag kayong magugulat agad o
mababahala sa balitang dumating
na ang Araw ng Panginoon. Huwag
kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito’y hula o pahayag, o kaya’y
sulat na galing sa amin.
Mabuting Balita: Lucas 19:1-10
Noong panahong iyon, pumasok
si Hesus sa Jerico, at naglakad sa
kabayanan. Doo’y may isang mayamang
puno ng mga publikano na
nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan
niyang makita si Hesus upang
makilala kung sino ito. Ngunit siya’y
napakapandak, at dahil sa dami ng
tao, hindi niya makita si Hesus. Kaya’t
patakbo siyang nagpauna at umakyat
sa isang puno ng sikomoro upang
makita si Hesus na magdaraan doon.
Pagdating ni Hesus sa dakong iyon,
siya’y tumingala at sinabi sa kanya,
“Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat
kailangan kong tumuloy ngayon sa
bahay mo.” Nagmamadali siyang
bumaba, at tuwang-tuwang tinanggap
si Hesus. Lahat ng nakakita nito ay
nagbulung-bulungan. “Nakikituloy
siya sa isang makasalanan,” wika
nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi,
“Panginoon, ibibigay ko po sa mga
dukha ang kalahati ng aking ariarian.
At kung ako’y may nadayang
sinuman, apat na ibayo ang isasauli
ko sa kanya.” At sinabi sa kanya ni
Hesus, “Ang kaligtasa’y dumating
ngayon sa sambahayang ito; lipi rin
ni Abraham ang taong ito. Sapagkat
naparito ang Anak ng Tao upang
hanapin at iligtas ang naligaw.”