Daily Gospel - 13 Mayo 2020


"Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga." (Juan 15:1-2)

Pagbasa: Gawa 15:1-6; Salmo: Awit 122:1-5;
Mabuting Balita: Juan 15:1-8

1 “Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. 2 Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga.

3 Ngayon malinis na kayo dahil sa salitang binigkas ko sa inyo. 4 Mamalagi kayo sa akin, at ako sa inyo.
Hindi makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. 5 Ako siyang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. 6 Kung hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang natuyo na tinitipon at ginagatong sa apoy at nagliliyab.



7 Kung mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin n’yo at magkakagayon sa inyo. 8 Sa ganito parangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: