Daily Gospel - 25 Mayo 2020


“Kagipitan ang meron kayo sa mundo pero lakasan n’yo ang loob, napagtagumpayan ko ang mundo.”  (Juan 16:33)

San Beda, San Gregorio VII at
Sta. Maria Magdalena ng Pazzi
Pagbasa: Gawa 19:1-8; Salmo: Awit 68:2-7;
Mabuting Balita: Juan 16:29-33

29 Kaya sinabi ng kanyang mga alagad: “Hayan, lantaran ka na ngayong nangungusap, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. 30 Alam na namin ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya naniniwala kaming sa Diyos ka galing.”

31 Sumagot sa kanila si Jesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? 32 Narito’t may oras na sumasapit at sumapit na upang mangalat kayo – bawat isa sa sariling kanya – at iiwan n’yo akong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama.

33 Sinabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Kagipitan ang meron kayo sa mundo pero lakasan n’yo ang loob, napagtagumpayan ko ang mundo.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: