Daily Gospel - 18 Hunyo 2020



Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi.
 (Mateo 6:8)
Pagbasa: Sirac 48:1-14; Salmo: Awit 97:1-7;
Mabuting Balita:  Mateo 6:7-15

7 Pag mananalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; naniniwala nga sila na mas pakikinggan sila kung marami silang sinasabi. 8 Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi.

9 Kaya, ganito kayo manalangin:

Ama naming nasa Langit,
sambahin ang Ngalan mo,
10 dumating ang Kaharian mo,
sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa Langit.
11 Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
12 patawarin mo ang aming mga pagkakautang
gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.
13 Huwag mo kaming dalhin sa tukso,
at iligtas mo kami sa Masama.

14 Kung patatawarin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa Langit. 15 At kung hindi ninyo patatawarin ang mga nagkasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: