Daily Gospel - 19 Hunyo 2020


Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo.  (Mateo 11:28)

Banal na Puso ni
Hesus
Unang Pagbasa: Deuteronomio 7:6-11; Salmo: Awit 103:1-10; Ikalawang Pagbasa: 1 Juan 4:7-16;
Mabuting Balita:  Mateo 11:25-30

25 Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. 26 Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo.

27 Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.

28 Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30 Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: