Daily Gospel - 30 Hunyo 2020


At sinabi ni Jesus:  “Ba’t kayo natatakot, kayong napakaliit ng paniwala?” Bumangon siya at inutusan ang mga alon at hangin, at tumahimik ang lahat. (Mateo 8:26)

Mga Unang Martir ng Simbahan
ng Roma
Pagbasa: Amos 3:1–4:12; Salmo: Awit 5:4-8; 
Mabuting Balita: Mateo 8:23-27

23 Sumakay si Jesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. 24 Walang anu-ano’y nagkaroon ng malakas na bagyo sa lawa at parang matatabunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Jesus. 

25 Ginising siya nila na sumisigaw: “Panginoon, saklolo! Mamamatay tayo!” 26 At sinabi ni Jesus:  “Ba’t kayo natatakot, kayong napakaliit ng paniwala?” Bumangon siya at inutusan ang mga alon at hangin, at tumahimik ang lahat.

27 Nagulat ang mga tao at sinabi nila: “Anong klaseng tao ito? Sumusunod sa kanya pati mga hangin at dagat.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: