“Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” (Mateo 13:57)
San Ignacio de Loyola |
Mabuting Balita: Mateo 13:54-58
54 Pumunta siya sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? 55 Di ba’t siya ang anak ng karpintero? Di ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jaime, Jose, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” 57 At bulag sila tungkol sa kanya.
Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” 58 At kaunti lamang ang ginawa niyang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya.