Daily Gospel - 23 Setyembre 2020


Sinugo niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas. (Lucas 9:2)

San Pio de Pietrelcina
Pagbasa: Kawikaan 30:5-9; Salmo: Awit 119:29-101;
Mabuting Balita: Lucas 9:1-6

1 Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng lakas at kapangyarihan para supilin ang lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit. 2 Sinugo niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas.

3 Sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglakad, ni tungkod, ni supot, ni tinapay, ni salapi; huwag kayong magkaroon ng tigalwang bihisan. 4 Sa alinmang bahay kayo nakituloy, doon kayo tumigil hanggang sa pag-alis ninyo. 5 Kung may hindi tatanggap sa inyo, umalis kayo sa bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa bilang sakdal laban sa kanila.”

6 Kaya nga lumabas sila at dumaan sa lahat ng bayan na nangangaral at nagpapagaling saanman.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: