Daily Gospel - 25 Setyembre 2020


“Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” (Lucas 9:20)

Pagbasa: Mangangaral 3:1-11; Awit 144:1-4;
Mabuting Balita: Lucas 9:18-22

18 Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila: “Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?” 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista raw; may iba namang nagsasabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabi na isang propeta noong una ang nabuhay.”

20 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Pedro: “Ang Mesiyas ng Diyos.” 21 At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman.



22 Sinabi nga ni Jesus: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.”

Mga kasulyap-sulyap ngayon: