Daily Gospel - 05 Enero 2021


At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket ang mga piraso ng tinapay pati na ang mga piraso ng isda. Mga limanlibong lalaki ang napakain. (Marcos 6:42-44)

Pagbasa: 1 Juan 4:7-10; Salmo: Awit 72:1-8;

Mabuting Balita: Marcos 6:34-44

34 Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila nang matagal.

35 Nang humahapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras.” 36 Paalisin mo sila nang makapunta sila sa mga nayon at bukid sa paligid at makabili ng kani-kanilang makakain.”

37 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila: “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sinabi naman nila: “At kami pa pala ang bibili ng tinapay – dalawandaang denaryo, di ba? At bibigyan namin sila.” 38 Ngunit sinabi niya: “Ilang tinapay meron kayo? Sige, tingnan ninyo.” At pagkatingin nila ay kanilang sinabi: “Lima at may dalawa pang isda.”

39 Kaya iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupu-grupo ang makapal na tao sa berdeng damuhan. 40 At naupo silang grupu-grupo, tigsasandaan at tiglilimampu. 41 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad para ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang isda.

42 At kumain silang lahat at nabusog, 43 at inipon nila ang mga natirang pira-piraso – labindalawang punong basket ang mga piraso ng tinapay pati na ang mga piraso ng isda. 44 Mga limanlibong lalaki ang napakain.
 

Mga kasulyap-sulyap ngayon: