Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong- gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay na parang mga kalapati. (Mateo 10:16)
San Agustin Zhao Rong at mga kasama |
Pagbasa: Hosea 14:2-10; Salmo: Awit 51:3-17;
Mabuting Balita: Mateo 10:16-2316 Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga tupa sa gitna ng mga asong- gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at walang-malay na parang mga kalapati. 17 Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano.
19 Pag nilitis naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. 20 Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
21 Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. 22 Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit ang mananatiling matatag hanggang wakas ang siyang maliligtas.
23 Pag inusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa iba. Sinasabi ko sa inyo, bago ninyo matapos daanan ang lahat ng bayan sa Israel, darating na ang Anak ng Tao.