Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. (Mateo 10:28)
Pagbasa: Genesis 49:29-50:26; Salmo: Awit 105:1-7;
Mabuting Balita: Mateo 10:24-3324 Hindi daig ng alagad ang kanyang guro, o ng utusan ang kanyang amo. 25 Sapat nang tularan ng alagad ang kanyang guro, at ng utusan ang kanyang amo. Kung tinawag na Beelzebul ang may-ari ng bahay, ano pa kaya ang kanyang mga kasambahay! Kaya huwag kayong matakot sa kanila.
26 Walang tinatakpan na di nabubunyag at walang natatago na di nahahayag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong.
28 Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa. Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. 29 Nabibili ang maya nang dalawa isang pera, pero wala isa mang bumabagsak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. 30 At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. 31 Kaya huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya.
32 Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. 33 At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.