Daily Gospel - 07 Agosto 2021


“Sapagkat maliit ang inyong pananampalataya. Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi sana ninyo sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang magiging imposible para sa inyo. (Mateo 17:20)

San Sixto II at San Cayetano
Pagbasa: Deuteronomio 6:4-13; Salmo: Awit 18:2-51;
Mabuting Balita: Mateo 17:14-20

14 Pagdating nila sa kinaroroonan ng mga tao, lumapit kay Jesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: 15 “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lubhang nahihirapan. Madalas siyang mahulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. 16 Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napagaling.”

17 Sumagot si Jesus: “Mga walang pananampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako mananatili sa piling ninyo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” 18 At inutusan ito ni Jesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At gumaling ang bata sa sandaling iyon. 

19 Pagkatapos ay nilapitan si Jesus ng mga alagad, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” 20 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sapagkat maliit ang inyong pananampalataya. Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi sana ninyo sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang magiging imposible para sa inyo.

Mga kasulyap-sulyap ngayon: