Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo |
Pagbasa: Exodo 11:10-12:14; Salmo: Awit 116:12-18;
Mabuting Balita: Mateo 12:1-8 1 Naglakad noon si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. 2 Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus: “Tingnan mo ang iyong mga alagad, gumagawa sila ng ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga!”
3 Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong magutom siya at ang kanyang mga kasama? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama na kainin ito liban sa mga pari. 5 At hindi ba ninyo nabasa sa Batas na sa Araw ng Pahinga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil dito?
6 Sinasabi ko naman sa inyo: Dito’y may mas dakila pa sa Templo. 7 Kung nauunawaan ninyong talaga ang salitang ito, ‘Awa ang gusto ko, hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang walang-sala.
8 At isa pa’y ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pahinga.”