“Narito ang utusan ko na aking pinili, ang mahal ko na siya kong kinalulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya.” (Mateo 12:18)
Pagbasa: Exodo 12:37-42; Salmo: Awit 136:1-15;
Mabuting Balita: Mateo 12:14-2114 Pagkalabas ng mga Pariseo, nag-usap-usap sila kung paano nila siya masisiraan. 15 Nalaman ito ni Jesus kaya lumayo siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya. Pinagaling niya ang lahat ng maysakit 16 ngunit inutusan niya sila na huwag siyang ipamamalita.
17 Kaya natupad ang sinabi ni Isaias, ang propeta:
18 “Narito ang utusan ko na aking pinili, ang mahal ko na siya kong kinalulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya.
19 Hindi siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang tinig. 20 Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi siya titigil hanggang magwagi ang katarungan. 21 Ang kanyang pangalan ang inaasahan ng lahat ng bansa.”